Chapter 6

751 29 0
                                    

That Fatty Girl

Chapter 6

“Ikaw!?” tumayo lang siya mula sa pag kakaupo sa sofa at lumapit sa akin. Lumayo naman ako sa kanya papunta sa gawi ni Mama na ngayon ay nakangisi pa.

“A-anong ibig sabihin nito?” nilingon ko si mama at ngumisi lang siya at inilapag ang juice na dala-dala niya.

“Si Cole anak, hindi ba at bisita mo siya? Dapat ako ang nag tatanong niyan sa iyo.” tumingin sa akin si Mama ng nakakaloko.

“H-hindi kasi ang alam ko nauna ako sa– aish! Never mind.” tumingin ako kay Cole na ngayon ay nag pi-pigil ng tawa. Ano ba kasi ang ginagawa niya dito!?

“Sige maiwan ko muna kayong dalawa.” sabi ni mama at tuluyan na nga akong iniwan kasama ang lalaking ito.

“Anong kailangan mo? Naibigay ko naman na sa iyo yung notebook mo diba? Alam mo na din na ako si ano...yung ka text mo kaya alam kong ti-tigil kana, kaya ano pa ba ang kailangan mo?” mabilisan kong tanong sa kaniya.

Umupo siya sa sofa at ininom ang juice na nasa lamesa. “Ewan ko din.” sa sinabi niyang iyon panandalian akong natahimik. Anong ibig sabihin ng ugok na ito?

Tumayo ulit siya at nag libot-libot ang mata niya sa sala. Naiinis ako sa ginagawa niya. “Hindi museum ang bahay ko.” seryosong sabi ko.

“Sinabi ko?” tipid niyang tugon. I rolled my eyes at tiningnan nalang ang mga kilos niya. Hanggang sa makalapit siya sa mga picture frame namin.

Nagulat ako dahil biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. Umigting pa ang mga panga niya, really what's with this guy?

Mahigpit niyang hinawakan ang family picture naming tatlo nila mama at papa. Nakita ko ang mapait niyang ngiti.

Lumapit ako sa kanya at hinila ang frame. “Stop touching anything!” sigaw ko sa kanya, hindi ko alam pero sa tuwing nakikita o naiisip ko si Papa bigla nalang kumukulo ang dugo ko.

Hindi na siya nagsalita pa at mabilis na nilisan ang bahay, good wala ng istorbo. Tiningnan ko ang picture frame at itinaob nalang ito sa ibabaw ng lamesa.

Nagtungo ako sa aking kuwarto at nag palit ng damit. Ano kaya ang problema ng mokong na iyon? Bakit parang nagpipigil siya ng galit kanina?

Minabuti kong hindi nalang iyon isipin at humilata nalang sa kama. Agad akong nagulat sa nakita dahil ang dami ko ng missed calls galing kay Jonas.

Mabilis ko siyang tinawagan. “Hello?” bati ko. “Asan ka? Anong ginawa sa iyo ng g*gong iyon?” ay OA, ang lakas din ng tama nito e noh? May Girlfriend na sweet pa rin, gusto niya na ba talaga akong paasahin sa wala?

Teka bakit ba nagkakaganyan ka Fatima? E hindi naman alam ni Jonas na may gusto ka sa kanya noh! Anang bahagi ng utak ko.

“Nasa bahay ako. Wala po siyang ginawa sa akin papa...” pagbibiro ko, mukhang effective naman dahil rinig ko ang pag ngisi niya. Paano ba naman kasi dinaig si Papa kung manermon.

“Anong ginawa niyo?” tanong niya ulit. Huminga muna ako ng malalim saka siya sinagot. “Kinuha lang niya yung gamit na pinahiram niya sa akin.” I can't tell him na nag papagawa ng assignments sakin ang mga kaklase kong bully, mag su-sumbong na talaga iyon kapag nag kataon. Pagkatapos non lalala lalo ang sitwasyon ko.

“Kinuha? E bakit kailangan ka pang kaladkarin kung saan-saan?” I mentally smiled. Iniisip na sana boyfriend ko nalang siya dahil para sa akin mukha siyang nag seselos, pero alam ko namang malabo mangyari iyon. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang tulad kong mukhang halimaw?? Sige nga??

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now