Chapter 10

761 29 0
                                    

Chapter 10

Fatima's POV

Umalis muna si Stacey dahil kailangan daw niya mag banyo. Ngayon kami nalang ni Jonas ang naiwan dito.

“Ah Fat?” pag-agaw pansin niya sa akin. “Yes?” sagot ko. “Bakit hindi ka kumakain? Saka bakit hindi ka rin naka salamin?” pagtatanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin. “Si Mila ang may kagagawan niyan hahaha!” tipid kong sagot na agad ko rin namang pinag sisihan. May nakaraan nga pala ang dalawang iyon.

“So bumalik na nga pala talaga siya.” sabi ni Jonas. “O-oo...” tumango lang ito. “Basta kapag may problema ka sabihin mo lang sa akin ha? Syempre ayoko namang makaramdam ng pagbabago sa atin dahil lang sa nag ka girlfriend ako.” matamis ang ngiti niya sa akin na sinuklian ko rin ng masiglang ngiti.

Jonas is one of a kind. Siya iyong taong gustong hilingin ng bawat tao, bukod sa pagiging gwapo ay marespeto. Hindi din niya hahayaang masira ang relasyon niyo dahil lang sa hindi pag kakaintindihan.

Kaya nga siguro na inlove ako sa kanya e. “Stacey is very lucky to have you.” ngumiti siya sa akin. “I know.” sabay pa kaming tumawa. Ngayon lang ulit kami nagkasama ng ganito.

Nagpaalam ako na mag babanyo muna, napansin ko rin na hindi pa bumabalik so Stacey.

Pumasok na ako sa isa sa mga cubicle at doon umihi. Nanginginig-nginig pa ako habang umiihi hahaha! Puro tubig nalang kasi ang iniinom ko e. Huhuhu miss ko na ang mga chocolates ko!!

Paglabas ko sa cubicle ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bagay nga sa akin pero bakit parang ayaw parin nila sa akin??

“It's okay Fatima, hindi naman sila kawalan e.” sabi ko sa sarili at ngumiti. Lumapit ako sa pintuan para buksan ito pero...ayaw bumukas! T-teka! May nagkulong ba sa akin dito!?

“Hello??? Tulong naman oh! Nakulong ako!” sigaw ko pero mukhang walang nakadinig. I look at my wrist watch at shocks! Mag ta-time na! I need to get out of here immediately!

“Hello!!?? Pabukas naman nung pinto oh!” sigaw ko ulit. Ilang minuto pa hinintay ko ng may marinig akong mga yapak.

“Hello! Tulong! Please!” sigaw ko at mukhang nagtagumapay naman ako. “Miss??” lalake. “Tulong kuya!” sigaw ko. “Teka lang ha! Babalik ako!” sigaw nito at rinig ko ang kaniyang pagtakbo.

Hays...kung sino ka man kuya hulog ka talaga ng langit. “Nandito na ako.” kalmado niyang sabi. Bumukas na ang pinto at bumungad sa akin si Aaron. “Aaron?” sambit ko sa pangalan niya.

“Fatima??” sabi rin niya at saka ngumiti. “Salamat ha??” sabi ko rito at nag bow pa. Sige Fatima K-drama pa!

“Bakit nandito kapa? Late na ah? Hindi kaba papasok?” sunod-sunod kong tanong. “Ah...ano kasi e.” I sigh. “Don't bother to answer my question, I already know the answer.” I smiled and wink at him.

Saka umalis papunta sa room. Sasabihin lang ba naman na ‘mag cu-cutting ako e.’ hindi pa magawa?? Tss funny.

Hingal na hingal akong nakarating sa room at nakita ko na ang pinaka! Masungit na teacher namin na masama ang tingin sa akin.

“Ms. Arcanghel! You're late!” napayuko nalang ako. “Im sorry ma'am, I got locked in the comfort room.” mahinahong sabi ko.

“Okay but you will have a detention after class!” sabi nito at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa gilid ng mata ko. Si Cole? Anong ginagawa niya dito? Bakit late din siya? Dapat sumama nalang siya nag cutting kay Aaron.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now