Chapter 15

823 29 1
                                    

Chapter 15

Nakatingin lang ako sa mukha niya. Hindi parin kasi ako makapaniwala. O dapat lang talaga akong hindi magtiwala dahil baka isa lang din ako sa mga babaeng bibiktimahin niya?

“Alam kong speechless ka sa ngayon, pero kung naghihinala ka man sa akin...ako na mismo ang nag sasabi sayo, hindi ito biro...totoo lahat ng ito, totoo talaga itong nararamdaman ko para sayo.” nakangiti pero seryoso nanaman niyang sabi.

“H-hindi ko lang kasi...m-maiwasan.” napabuntong hininga ako at binawi sa kanya ang mga kamay ko. “N-no offense ha, p-pero kasi...a-alam mo naman siguro na kilala kang player sa school, bully rin.” nakayuko kong sambit.

Bigla niyang hinawakan ang baba ko at dahan-dahang iniangat ang ulo ko. “I know...pero pwede ba akong humiling?” nagtataka ko naman siyang tiningnan.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa kanya. “H-hayaan mo lang ako maging ganto please...h-hayaan mo lang ako na gustuhin ka kahit na sa malayo pa. Hayaan mo akong iparamdam sayo na kaya kong magseryoso. Hayaan mong ipakita ko sayo lahat ng nararamdaman ko...” nakangiti pero maluha-luha niyang sinabi iyon.

B-bakit ganon? P-parang nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon? Ano bang nangyayari sayo Fatima!?

“Pasensiya na kung naabala pa kita. Halika ihahatid na kita.” sabi niya at inalalayan akong pumunta sa kotse niya.

Buong biyahe ay tahimik kami. Walang sino man ang nagtangkang umimik.

Bakit ganon? Bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko? Na gu-guilty ako...nakita ko ang sobrang effort niya sa kanina.

Sa totoo lang na appreciate ko naman talaga yun e. I'm just really speechless sa sinabi niya. Abay sino ba naman kasi ang hindi diba!?

“Nandito na tayo.” bahagya pa akong nagulat sa sinabi niya. “H-ha?” lumingon ako sa paligid at nasa labas na pala kamo ng bahay ko.

“S-salamat.” nautal pa letche! Nginitian niya naman ako, pagkababa ko ay tumingin pa muna ulit ako sa kanya.

Binaba niya ang bintana ng kotse niya at muling nagtama ang paningin namin. “G-good night.” usal niya saka mabilis na pinaandar ang kotse niya.

“G-good night.” sabi ko pa habang nakatanaw sa mabilis niyang kotse. Napabuntong hininga naman ako at napagpasyahang pumasok na sa bahay.

Sumalubong naman sa akin si Mila. Na nasa labas!? Jusmeyo! Nakalimutan ko nasa akin nga pala ang susi ng bahay jusqo! Patay ako nito!

Salubong ang kilay na tumayo si Mila. “ANAK NG! LINTEK KANG BABAE! ALAM MO BA KUNG GAANO KATAGAL NA AKONG PINAGPUPULUTAN NG MGA LAMOK DITO!?”   napatakip naman ako sa tainga ko.

“B-bakit ba kailangan mo pang sumigaw!?” sigaw ko pabalik pero hindi naman katulad ng sa kanya na ubod ang lakas.

“Ha!?” di makapaniwalang singhal niya. “Bilisan mo na nga lang dahil naiinis ako sayo!” gigil na gigil pa niyang sabi. Agad ko naman siyang sinunod.

Ayokong masapak ng amazonang to noh! Pagkabukas ko ng pintuan ay dali-dali siyang umakyat sa kuwarto niya at padabog ng isinara ang pinto.

I sigh at sa sofa muna humiga. Gusto kong makapag isip-isip.

Paano kung hindi naman talaga siya seryoso? Paano kung katulad lang siya nung sa mga palabas na papaibigin ako tapos biglang iiwan? Paano kung dare lang pala to? Paano kung...paano kung gusto niya lang makaganti sa papa ko?

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now