Chapter 34

581 22 0
                                    

That Fatty Girl
Warning: medyo SPG ay hala shet.

Chapter 34

Fatima's POV

Linggo na ngayon at ngayon ang pangalawang practice kaya ala una palang ay gising na ako.

Buti nalang talaga maaga akong nakatulog kagabi kung hindi baka galit nanaman ang boyfriend kong mahal. Bleh!

Pagkatapos kong maligo ay nag suot ako ng komportableng damit. Ayokong mahusgahan nanaman ako ni Cole, hmmp! Iniwan kong nakalugay ang wavy kong buhok, hindi pa tuyo e.

Pagkatapos kong gawin ang routine ko bumaba na ako para sana mag almusal pero nabigla ako dahil nakita kong nasa sofa si Cole at masayang nakikipag usap kay Mama.

“Oh ayan na pala ang anak ko.” nakangiting sabi sa akin ni Mama. Lumapit ako sa kanila. “Kumain na kayo?” pagtatanong ko. Umupo ako sa gitna nilang dalawa at nilagay ko ang isa kong kamay sa hita ni Cole.

“Hindi pa, ayaw daw niyang kumain kapag hindi ka sasabay kaya ayan pinagkape ko nalang muna.” nakangiti paring sabi ni Mama.

“Ah...sige Ma, matulog kana ulit. Sa labas nalang kami kakain ni Cole.” habang sinasabi ko iyon ay naramdaman ko ang pag-hawak ni Cole sa kamay ko.

Nag init ang pisnge ko nang ilapit niya iyon sa bibig niya. Tiningnan ko siya at nakapikit siya habang ginagawa ang bagay na iyon.

Sobrang guwapo talaga ng boyfriend ko. Napangiti ako sa aking na isip. “Ahh mabuti pa nga. Sige na, tatalikuran ko na kayo.” sabi niya at pareho naman kaming tumango ni Cole.

Tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingin narin pala sa akin. “Good Morning, you smell so damn good...” hinalikan niya ang pisnge ko pagkatapos sabihin iyon.

“Good Morning.” nakangiting sabi ko din. Hinila na niya ako patayo at papunta sa kotse niya. Nagkuwentuhan kami ng kung-ano ano para maibsan ang katahimikan sa loob ng kotse.

Pamaya-maya pa ay nakarating na kami sa drive thru ng Jollibee. Naisipan naming mag drive thru nalang dahil tinatamad din akong bumaba ng sa-sakyan.

“Anong gusto mo bukod sa gusto mo ako??” tanong niya na medyo hindi ko narinig dahil siguro sa sobrang pagka-antok. “Ha?” ngumisi siya. “Ang sabi ko ano pang gusto mo bukod sa gusto mo ako?” ngayon tumatawa na siya.

Nakita ko naman ang pag ngisi nung babaeng kumukuha ng order. “Ha? E hindi naman kita gusto.” sabi ko na siyang nakapag-pawala ng ngiti niya sa mukha.

“A-anong sabi mo?” nauutal na tanong niya at hindi makatingin sa akin. Ngumuso ako para pigilan ang kumakawalang ngiti sa labi. “Dahil mahal kita...” simpleng sabi ko at ako na ang nagsabi ng order namin dahil naiwan siyang nakatulala.

“Dy, paandarin mo na daw.” sabi ko sa kanya. “A-ah yeah r-right.” nanginginig niyang mina-neho ang kotse sa tapat ng kuhaan ng order. “Ano? Babanat ka kasi tapos kapag nakabanat din ako sayo natutulala ka. Ganyan ba talaga kalakas ang tama mo sa akin?” natatawang pang-aasar ko pa sa kaniya.

Kinuha na niya ang mga inorder namin at binayadan. Inabot niya sa akin at nilagay ko muna ito sa kandungan at pinanood siyang paandarin ulit ang sa-sakyan.

“Oo, ganyan ako kabaliw sayo.” ramdam ko ang pamumula ng mga pisnge ko kaya ako naman ngayon ang hindi makatingin sa kanya.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now