Chapter 31

504 22 0
                                    

Chapter 31

Fatima's POV

“Tinawagan ka ni Jonas? Anong sabi?” tanong ni Jack. Aish! Manong patapusin muna kasi akong magsalita e!

Nawala agad ang inis ko kay Jack ng seryosong nakatingin sa akin si Cole. Hays eto nanaman po tayo.

By the way ang nasa cafeteria kami. Obviously lunch na kaya kami nandito, mga kasama ko sa upuan syempre si Cole, si Jack, si Brayden, Zaalia, Aaron at Reighnity.

Oo, pumasok na ulit si Reighnity si Aaron na ang sumagot ng tution niya, ang sweet diba!?  Teka mabalik tayo sa tanong ni Jack.

Lahat sila ay nakatingin na sa akin na tila ba naghihintay ng isa-sagot ko. I clear my throat. “Sinabi niya lang sa akin na nasa States na siya.” nanlaki ang mata nilang lahat except kay Cole.

“States!? Anong ginagawa niya don?” I shrug. “Yan nga yung hindi ko eksaktong natanong e. Naunahan kasi ako ng tampo saka inaantok narin ako. Pano ba naman kasi ako yung bestfriend niya tapos umalis na pala siya sa Pilipinas hindi manlang nagsa-sabi!” I pouted after saying those.

“Tss bakit kasi makikipag usap ka ng dis-oras ng gabi.” singhal ni Cole at saka sumubo ng pagkain niya.

“Biglaan naman kasi yon, saka isa pa nakakahiya naman kung hindi ko sasagutin diba?” sabi ko. “Kahit na.” he rolled his eyes.

“Dont be jealous man! Wala na nga dito yung tao e!” nakangising sabi ni Aaron habang naka-akbay kay Reighnity.

“Whatever.” mahinang tugon ni Cole kaya napatawa nalang ang iba. “Hmm...baka naman doon siya mag mo-move on sa break up nila nung bruha?” nakapangalumbaba na sabi ni Zaalia.

“Yan nga din yung iniisip ko e. Pero...hindi naman kasi ganon mag move on si Jonas. Kapag nga nakasama mo o nakita mo siya e parang hindi siya galing sa isang break up.” sabi ko at pumalumbaba narin.

“Aish! Tigilan niyo na nga yan! Ibang topic nalang pag-usapan niyo!” sigaw ni Cole na nakapag patahimik sa aming lahat.

Grabe talaga ang lalakeng to, “Ang bitter mo talaga Cole.” sabi ko at sumubo sa pagkain ko. “Cole huh?” sabi niya at saka tumayo at umalis.

Napanganga nalang ako sa ginawa niya. Hindi ko lang siya natawag na Dy nagtampo na agad!? Aba! Daig pa talaga ang babae ah!?

“Fat, sundan mo.” sabi ni Aaron at sumang-ayon naman ang lahat. I pouted at dahan-dahang tumayo para sundan ang aking boyfriend na daig pa ang babae. 

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ng hallway, nagbabaka sakaling makita ang pigura ni Cole but I failed. Napagdesisyonan kong pumunta nalang muna sa kaliwa para hanapin siya.

Saan naman kaya pupunta yon? Hindi ko naman alam kung saan ang tambayan nila dito bukod don sa cafeteria.

Panay lang ang hanap ko sa kanya hanggang sa makasalubong ko ang hindi ko inaasahang tao.

“Oh...why is the fatty girl alone now? Nasaan na ang super hero na si Cole? Ha?” luminga-linga pa siya na tila ba may hinahanap.

Napayukom nalang ako ng kamao. Siya ang dahilan kung bakit ako na-comatose dati at dahil don nakayanang makapatay ni Cole, siya din ang dahilan kung bakit halos tuluyan nang masira ang buhay ni Reighnity, dahilan kung bakit nabugbog si Aaron at dahilan narin siguro kung bakit wala si Jonas ngayon dito.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang