Chapter 16

725 29 0
                                    

Chapter 16

Stacey's POV

Naiinis ako! Sobrang napahiya ako kanina sa ginawang pag sigaw-sigaw sa akin ni Cole! Bakit ba siya nagkakaganon!?

Gusto ko lang naman tanungin kung kumusta na siya at makasama siya na kami lang dalawa pero parang ayaw niya!

Oo! Akala ko din ay kay Jonas na talaga ang bagsak ko pero hindi! Si Cole talaga ang tinitibok ng maharot kong puso!

Saka gusto ko din siyang tanungin kung totoo ba ang mga bali-balita dito sa school na nililigawan niya si Fatima!? Like really!? Duhh!! Anong ginawa nung baboy nayun kay Cole ha!?

Humanda ka talaga sakin Fatima, kung nagawa kong pag-awayin kayo ni Jonas pano pa kaya kayo ni Cole? Tss...humanda ka talaga saking baboy ka!

"Sweetie." napalingon ako sa malambing na pagtawag niyang yon. Inalis ko ang inis sa mukha ko at pilit na ngumiti sa harap niya.

"Good Morning." bati niya at hinalikan pa ako sa noo ko. Yeah right...kahit na ayoko sa kaniya hindi ko alam kung bakit kinikilig at natatameme parin ako sa mga ginagawa niya.

"G-good Morning sweetie..." bati ko pabalik at nakita ko nanaman ang malalawak niyang ngiti.

"Halika ihahatid na kita sa room niyo." sabi pa niya na tinanguan ko nalang. "Mamayang lunch pupuntahan kita tapos mamaya ding uwian syempre pupuntahan ulit kita. Hintayin mo nalang ako sa room niyo ha?" simula nung nangyari yung plano ko kay Fatima halos hindi na niya ako hiniwalayan.

Nabwi-bwisit na nga din ako e! Pano ba naman kasi hindi ako makapag bonding ng maigi kasama ang mga kaibigan ko!

"You know what sweetie? You don't really have to do these. Kaya ko naman ang sarili ko e, sinisiguro kong hindi na makakalapit sa akin ang baboy na yon." sabi ko pa.

"Hmm...pero sure ka bang ayaw mong ipatawag siya sa Dean's office?" kinabahan nanaman ako. "N-no ayos nga lang sakin. Saka kala mo namang kaya mo talaga siyang ipa office!" ngumuso pa ako para kunwari ay nagtatampo.

Tingnan natin kung may effect pa sayo yung baboy na yun! "O-ofcourse I can! I can do it! Plus siya naman talaga ang mali e." oh e bakit na uutal ka!? Bulong ko sa isip ko.

"Yeah...yeah...sige nandito na tayo kaya pumasok kana sa room mo ha? Bye!" I kiss h on his cheek at pumasok na sa room namin.

There I saw Cole and Fatima. Tss! Mukhang totoo nga yung mga sinasabi nila! Fatima...Fatima...Fatima...get ready dahil madami pa akong pasabog sayo.

Felicia's POV

Hi! First time ko mag ka point of view hehe! Ako nga pala ang mama ni Fatima na asawa ni Caleb Arcanghel.

Nandito ako ngayon sa Laguna, binisita ko lang ang mama ko balita ko kasi ay madalas siyang magkasakit kaya titingnan ko lang ang lagay niya.

"Ma inumin mo muna ang gamot mo ha? Bibili lang ako ng makakain natin diyan sa bayan." nakingiting sabi ko pa sa kanya.

"Sige, mag-iingat ka ha?" tumango nalang ako sa kanya at mabilis na umalis sa bahay. Napaka sariwa parin ng hangin dito sa labas ng bahay.

Feeling ko tuloy ay dalaga pa ako hahaha!

"Nako mare tama ba ang nakikita ko?"

"Oo nga mare! Nandito si Felicia!"

Agad akong napalingon don sa mga nag ku-kuwentuhan. Ganon nalang ang naging tuwa ko matapos kong makita ang mga kaklase ko noong highschool.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Onde histórias criam vida. Descubra agora