Chapter 1

2.6K 66 3
                                    

Chapter 1

"Fat..." I groan when someone slightly shake me. "Fatima anak gising na. Hays...bakit hindi kananaman pumasok ha?" rinig ko ang mahinanon niyang sabi.

Oh diba? Ganyan lang si mama kapag nanenermon. Hindi siya marunong mag rap e, joke! Bumangon na ako at kinusot Ang mga mata.

"Bakit hindi ka nanaman pumasok? tapos naka hubad kapa, bata ka..." pagtatanong niya at ngumuso lang ako. "Ma...tinamad na ako nung nasira ulit itong palda ko. Ma...tumaba nanaman ako!" reklamo ko rito na parang bata.

"Hays...ano ang sabi ko sa iyo? Mag diet ka na dahil nakakasama rin iyang masyadong mataba ha? Hayaan mo at ibibili nalang kita ng bagong palda. Siya magbihis kana at para kang baboy bold star diyan." pang aasar niya.

"Ma naman e!" sabi ko rito. "Biro lang, sige at magluluto pa ako ng umagahan." sabi nito at lumabas na ng kuwarto.

Tumingin ako sa balat ng pagkain sa kama ko, nakatulog pa pala ako. Agad akong nagsuot ng damit, v neck na t-shirt at some random na short. Medyo hindi ako makahinga sa damit ko dahil fit na ulit ito sa akin.

Malalim ang naging paghinga ko at sinumulang iligpit ang mga kalat sa kuwarto ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagwawalis ng mag ring ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang caller ID at nakitang si Stacey ito. Shit! Oo nga pala may pinagawang assignment sakin si Stacey!

Panigurado galit nanaman ito! Oo tama kayo, ako ang taga gawa ng assignments, projects at kung ano-anong requirements ni Stacey, wala akong magawa dahil bu-bullyhin nila ako. Dumb you self, hindi paba pambu-bully ang pananakot at pag-aalila niya sa iyon?

Agad ko itong sinagot. "H-hello?" pag-papatiuna ko. "Oh hello Fatty..." sabi nito. Ewan ko ba pero nandidiri ako sa boses niya. "Stacey s-sorry dahil hindi ako nakapasok ngayon, hindi ko tuloy nagawa ang assignment mo." sabi ko rito.

"No, ayos lang. Pero natapos mo naman hindi ba?" pagtatanong niya. "Oo, natapos ko." sabi ko rito. "Okay...can we meet then? Para makuha ko na?" sabi nito.

Why do I feel na may masama siyang balak?

"Y-yeah, saan?"

NANDITO na ako harap ng bahay ni Stacey, hindi ko alam kung tama ba ang napuntahan ko o mali dahil sobrang ingay sa loob, rinig ko ang tugtog at malalakas na hiyawan ng mga tao.

Hindi kaya may party?

Sana naman ay labasin nalang ako ni Stacey, nakakahiya ang suot ko mukha akong manang.

Naiisipan kong I text nalang siya para hindi na ako pumasok pero huli na nung may tumawag sa akin. It's her...

Nanginginig kong sinagot ito. "Hi Fatty!" iyan ang tawag sa akin halos lahat ng istudyante sa school. Sakto nga naman daw sa pangalan ko Fatty-Fatima.

"Stacey? Pwede bang makisuyo nalang ako rito sa gate? Mukha kasing may party e, nakakahiya." sabi ko. "Oh I'm sorry nasa loob pa kasi ako ng kuwarto ko, can you please go inside and give it to me?" pagkatapos niyang sabihin iyon ay rinig ko ang hagikgikan ng ibang tao.

Bago pa man ako tumutol ay agad na niya itong binaba. Ano ng gagawin ko?

Hindi! Kaya mo iyan Fat, kaya mo iyan hindi ka pinalaking duwag ng mama mo. Anang bahagi ng utak ko.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now