Chapter 31

4.1K 105 11
                                    

Jeid's PoV

"Jeid... Hoy Jeid!" napalingon ako sa naiinis na mukha ni Jeniece.
Mukha ngang naiirita na siya sakin. Kanina pa siya salita ng salita sa harapan ng bahay namin, wala na siyang ibang binanggit kesyo ang swerte niya daw sa asawa niya dahil naibibigay niya daw lahat ng kailangan niya. Kesyo hindi daw siya gaya ng ibang lalaki na wala ng ginawa kundi magpaka-saya sa piling ng ibang mga babae.
Pero hindi ko nalang siya pinansin. Dumiretso ako sa bakuran namin para asikasuhin ang munting taniman ko ng gulay.
"hoy! Napaka walang modo mo talaga! Akala mo kung sino ka, kaya ka iniwan ng asawa mo eh"
Napa-iling nalang ako.  Ang mga tao talaga kung minsan...

Saktong 11:00 am, naihanda ko na ang pananghalian namin ng mga bata at maya-maya pa nga ay narinig ko na ang mga tungayaw nila sa labas. As usual kinukulit nanaman nila si Mang Esteban na makipaglaro ng basketball sa kanila.

Agad ko silang sinalubong at sinabihang magbihis muna.
"Pasensya na ho Mang Esteban, lagi nalang ko kayong inaabala ng mga bata"
Nginitian lang niya ako at sinabing ayos lang daw iyon sakanya. Inaya ko nalang din siyang kumain matapos magbihis ng kambal.

"Oo nga pala mama! May pinabibigay pala si Aling Melinda." biglang naalala ni Zin saka nagtatakbo papunta sa kwarto nila. Pagbalik niya, may dala na siyang naka supot.

"May sakit kaba mama?" biglang tanong ni Zeid. Agad naman akong tumanggi.
"kung ganon bakit sabi ni Aling Melinda pag kinain mo daw to gaganda ang pakiramdam mo?"
Sunod na tanong niya.

"Wala yon, baka naman namali kalang ng pandinig" kunwaring sabi ko. Si Aling  Melinda lang ang nakaka-alam ng sitwasyon ko, siya kasi ang nagmagandang loob na ibili ako ng PT nung nakaraang araw ng mamalengke sila sa bayan.

"mama buksan mo na" excited na sabi ni Zin.

Halos magtubig ang bibig ko ng makita ang hilaw na mangga na binalatan narin ni Aleng Melinda. Agad akong kumuha ng isa at kinain. Ginaya rin ako ng kambal pero nagreklamo lang ang dalawa.

"Ang asim! Ayoko na, sayo nalang kuya"
Maluha-luha si Zin sabay bigay kay Zeid ang mangga na kinagatan niya.

"Ayoko narin mama! Nangingilo na ngipin ko sa sobrang asim. Sayo nalang"

Natawa ako sa reaksyon nila. Maluha luha sila at lukot ang mukha. Sa huli binantayan nalang nila ako habang sinasabing ang takaw ko daw kaya nananaba ako.

"mama, punta tayo mamaya sa plaza ha. Sasama rin yung mga kaklase namin, magpapalaro daw si Kapitan Panot para sa buong barangay"
Biglang hirit ni Zeid. Natawa ako sa paraan ng pagkakasabi niya sa kapitan namin. Lagi niyang pinagtatawanan ang makinis nitong ulo.
Gustohin ko mang tumanggi, hindi ko rin lang nagawa dahil sa sobrang kakulitan ng mga bata.

"alam mo ba na laging talo ang barangay natin sa basketball mama? Si Mang Domeng kasi mama! hindi siya marunong maglaro"
Nanggigigil  na sabi ni Zin

"Sayang. Kung nandito lang si papa, siguradong lagi tayong mananalo. Kelan ba siya uuwi ? Ang tagal niya naman sa maynila. Sunduin nalang kaya natin siya mama"

Wala akong maisagot, dahil pati ako ay hindi rin alam kung kelan. Marami rin akong tanong na gustong sabihin sakanya, marami rin akong gustong i-kuwento sakanya.
"soon anak." tanging nasambit ko.

"hmp! Antagal naman ng soon nayan mama. Magtatampo na talaga ako sakanya" pagbabanta ni Zeid.

Saktong alas-kuwatro, lumabas na kami, hindi sumama si Mang Esteban dahil masama daw ang pakiramdam niya.

Hindi magkamayaw ang kambal kaka-"boo" sa kawawang Domeng habang naglalaro ng basketball. Napangiti ako ng lihim. Atleast nalilibang ako, nakalimutan ko ang ng saglitan ang pagkalungkot ko sa lahat ng nangyayari. Napa hawak ako sa tiyan ko, hindi pa halata ang umbok dahil parang kaunting bilbil lang siya kung titignan. It's been 3 weeks and a half.

Pregnant by my Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now