Chapter 25

4.6K 87 12
                                    

Jeid's PoV

AFTER that incident , paunti unting nagbago ang pakikitungo ni Zeid sa ama. Medyo ilang parin si Zeid na tawaging papa si Zion.
Hindi ko parin makalimutan ang epic na reaction ni Zion ng tawagin siya ni Zeid, na papa. Ilang segundo siyang nakatanga kay Zeid, instead na lagyan ang pinggan ng anak ng ulam.

Nag leave rin siya sa office work kahit pa hindi ako pumayag sa una , pero sinang-ayunan naman ng mommy ni Zion and desisyon niya kaya naman ilang araw rin kaming walang ginawa kundi ang mamasyal, manood ng sine , at mag-picnic. Bumabawi si Zion sa mga pagkakataong wala siya sa tabi ng mga kambal.

Tama ang naging desisyon ko, kung pinili kong lumayo, at tumakbo ulit sa mga problema ko. Then hindi  mararanasan ng kambal ang magkaroon ng ama. Hindi nila mararanasan ang masaya at buong pamilya. Sana ay ganito nalang lagi ang tagpo ng pangyayari. Sana maging maayos na ang lahat.

"Mama, gwapo na ba ako?"
Naka pogi pose si Zin habang gamit ang shades ng ama.

"Para kang timang Zin, mukha kang tutibi." Nang makita ni Zeid kung saan naka apak si Zin agad tumaas ang  presyon nito. "Bumaba ka nga diyan sa sofa! Naka sapatos ka tapos umaapak ka sa sofa! Baba Zin"
Umandar ang pagiging kuya nito.

Nag pout si Zin bago ito bumaba. Balak namin ngayong bisitahin ang puntod ni lola kaya uuwi kami sa probinsya.

"Wow, ang gwapo naman ng mga baby ko"
Naka simpleng shorts at ternong T-shirt ang kambal.

"Talaga mama? Mas gwapo na ba kami kaysa kay papa?"
Pangungulit ni Zin. Agad naman akong tumango.

"Now that is unacceptable wife"
Si Zion, nag tatampo tampuhan ito sa narinig.
"But since they're my son, I'll pretend na totoo yon" sabi niya , sabay kindat saakin. Napa iling nalang ako.  Pero hindi pa nakuntento ang loko. Hanalikan pa ako sa harapan ng nga bata.
"Love you" bulong niya.

"I know, I love you too"

"Papa, bakit pakiramdam ko hindi maganda ang sinabi mo kay mama?"
Pagsusus-petcha ni Zeid habang naka taas ang kilay nito.

He pinched his cheeks.
"You crazy weirdo"
Yan nalang ang nasabi ni Zion na natatawa.

"Hmp! Matututo rin ako ng english papa. Lagot ka sakin"
Pagbabanta ni Zeid.

"Oo kuya, matututo rin tayo ng english"
Walang kamuwang muwang na sumbat ni Zin na umani lang naman ng nakamamatay na tingin sa kambal, na nag peace sign naman sa huli.
Natigil nalang silang mag asaran ng dumating ang driver.

"Sir, naayos na po yung mga maleta sa sasakyan."

"Alright kiddos, Tara na."

"Papa, buhatin mo ako"
Pagpapa-baby ni Zin na agad namang sinunod ng ama. Sumimangot si Zeid, malamang nag seselos ito. Nang makita ito ni Zion ay binuhat niya narin siya.

"Mama! Mama tignan mo , kaya kaming buhatin ni papa ng sabay oh!"

Ngumiti nalang ako. Hayys aabutin din kami ng limang oras sa biyahe pauwing probinsya.

"Papa kandong ako"

"Sure baby—"

"P-papa ako din!"

Natawa nalang si Zion.
"Zin, Zeid. Hindi naman pwedeng dalawa kayo. Mabigat kayo anak, hindi kayo kaya ni papa nyo." Suway ko. "Zeid, sakin ka nalang kumandong, palit nalang kayo ni bunso mamaya"

Humaba ang nguso ni Zeid, pero
um-oo naman sa huli. Wala pang isang oras ng marinig namin ang mahihina nilang pag hilik.
Natatawang hinagkan ni Zion si Zin.

Pregnant by my Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now