34 Lies and Explanation

Start from the beginning
                                    

"Oh my god... This is ridiculous." Iling sabi ng kanyang ina.

They can sighed and say anything they wanted, wala na silang magagawa pa. Patuloy niya. "She's a fine girl. Actually, she wanted to finish schooling and wanted to be like me. Can you believe that? Kung mate-train ko siya ng mabuti sa business world, mas lalago pa lalo ang kompanya natin. Maasahan din siya sa bahay. She can cook, she knows how to clean a house, to do laundry. Masipag din siya mag-aral."

"Really? Iyan lang ba ang nakita mo? How about her manners?"

"What do you mean?"

Nilingon ng dalawa si Alana. Pagkatingin niya rito, napatulala na lang siya kung anong ginagawa ni Alana lalo na sa pagkain. Oh no...

[ALANA]

Habang abala si Roman at ang mga magulang nito sa paguusap, nililibang naman niya ang kanyang sarili sa mga nakakatakam na mga pagkain na nakalapag sa kanyang harapan. Ang dami at mukhang ang sasarap! Ang iba natikman na niya at hindi siya nadismaya, masasarap pala ang mga pagkaing pang-mayaman!

Hindi niya mapigilang mapasubo at mapakain ng marami. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakatikim ng ganitong pagkain. Bago man sa panlasa niya, ang sarap naman. Pakiramdam din niyang gutom na gutom siya. Dahil siguro hindi siya mapakali kahapon, hindi makatulog ng maayos at walang ganang kumain kaya bumabawi ang kanyang katawan. Sana sa susunod makakain ulit siya ng ganitong pagkain.

Pabalik-balik din ang waiter na may dalang mga bagong putahe. Pinagmasdan niya si Roman na wala pa rin humpay sa paguusap sa mga magulang nito. Mukhang ang bigat-bigat ng paguusap nila kaya 'di nila napapansin na dumadami na ang mga pagkain sa hapag. Pero sige na lang kesa iistorbohin pa niya ito baka makakaistorbo pa siya.

Hindi kalayuan, may nakita siyang isang pagkain na kilalang-kilala niya. Spaghetti. Isa sa pinakapaborito niyang pagkain kapag may handa kina Aling Martha pero ang pagkakaiba lamang ay ang kulay. Puti ang sarsa nito at kung ano-ano pang nakalagay sa ibabaw. Natatakam siya kaya palihim niyang kinuha ito at naglagay sa kanyang plato. Pagkasubo pa lang niya ay hindi niya inakala na masarap pala kaya sunod-sunod ang kanyang pagkain. Mukhang ito na ang bago niyang paboritong pagkain ngayon. Sa dali-dali niyang pagsubo, tumalsik ang iilang noodles sa kanyang damit. Kinuha niya gamit ang kanyang kamay at agad na sinubo tiyaka bumalik ulit sa pagkain.

Habang takam na takam siya sa pagkain, nakaramdam siya na may nakatingin sa kanya. Iyon pala ay nakatingin sa kanya si Roman pati na ang mga magulang nito. Bigla siyang nahiya at dahan-dahan nilapag ang hawak niyang tinidor. Iba kasi ang tingin nito sa kanya bakit kaya?

"I-It's okay." Sabi ni Roman. Kumuha ito ng tissue at ipinahid sa kanyang labi at kamay. "Masyado lang nasarapan si Alana sa pagkain. She appreciates the food so much 'diba Alana?"

"Huh?" nagtatakang tanong niya rito. Hindi kasi siya nakikinig sa pinaguusapan nila kaya 'di niya alam anong isasagot niya.

"Hay nako! If you want us to accept her as...as part of this family, make sure she presented herself properly. How to walk, to talk, know how to act in the food table and proper etiquette. Sa nakikita ko parang hindi alam ng batang 'yan papaano kumilos ng mabuti sa ibang tao."

"It can be fix Ma, so you don't have to worry. Malaki na rin naman ito si Alana at madali lang siyang turuan."

"Dapat lang. Habang bata pa dapat sinasanay na 'yan. Anon a lang ang sasabihin ng ibang tao lalo na mga kumpare at kumara namin ng Papa mo? They think kung saang lupalop o liblib na isla mo kinuha 'yan."

"I will make sure she can someone na gusto ninyo."

"By the way, how old is she and what grade na siya sa school?" tanong ng Papa nito.

"Um, she recently celebrated her birthday. She just turned eighteen and she's in grade nine."

Napauwan ang mga bibig ng mga magulang nito. "Wha-what did you say? She's eighteen?!"

"Yes—"

"Wait a minute, nag-ampon ka ng isang dise-otso anyos? I thought she was just thirteen or fourteen?!"

"I cannot believe this, Roman. You adopted a full-grown woman."

"Ma, Pa, wala po 'yan sa edad. Dahil sa pursigidong makamit ni Alana na makapagtapos kaya pumayag ako ampunin siya."

"Roman—"

"It's my decision to do this, Ma. Kaya please, kung ipu-push niyo pa rin ang gusto ninyo it will not happened at hindi po akong papayag na sirain ninyo ang mga plano ko."

"Fine, but we're not done talking about this. Hindi pa tayo tapos." Tinig na banta ng ina nito.

[ALANA]

Sa wakas, natapos na rin. Naunang umuwi ang mga magulang ni Roman. Dala-dala ang mga pagkaing binalot para sa kanya, naglakad sila papunta sa sasakyan. Binuksan ni Roman ang pinto ng may gusto siyang itanong rito.

"Roman, ayaw ba ng mga magulang mo sa akin?"

"Ba't mo naman nasabi 'yan? Of... of course not." Sagot nito.

"Kitang-kita sa mukha at tono nila na gulat na gulat sila na makilala ako. Lalo na ang Mama mo. Tingin pa lang niya sa akin eh parang ayaw niya akong makita."

"Sa maintindihan mo sila. Kasalan ko din naman ito dahil hindi ko sinabi sa kanila agad ang tungkol sa'tin. Usually, sinasabi ko sa kanila ang mga plano ko sa negosyo man o sa pang-araw araw kong ginagawa pero hindi ito."

"Ganoon ba?"

"Pasensya ka na din dahil kinaladkad ka sa ganitong sitwasyon at sorry din na nagsinungaling ako sa kanila. Medyo komplikado kung malalaman nila na kilala ko ang Papa mo kaya mas mabuting isekreto muna natin ito hanggang sa...sa bumalik ang Papa mo. Kung okay lang sa'yo."

"Um, wala namang problema sa akin. Naiintindiha ko din naman na hindi agad-agad matatanggap nila ako. Alam mo, mas mabuti kesa magmumukmok ako, gagawin ko ng mabuti ang pagaaral ko at magpakita ng maganda sa kanila. Baka sakaling tanggapin nila ako, hindi ba? Para matawag ko silang mga Lolo at Lola ko."

Ngumito ito. "Good to hear. Ipakita mo sa kanila na magkakasundo kayo."

"Nagtataka nga ako sa kinuwento mo kanina pero dahil sa paliwanag mo, kahit hindi ko masyadong maintindihan pero malaki naman ang tiwala ko sa'yo kaya wala 'yun sa akin."

"Talaga? Akala ko magagalit ka."

Umiling siya. "Hindi naman. Malaki ang tiwala ko sa'yo at kung babalik man si Papa at kukunin na niya ako, bago man akong umalis eh magkakasundo ko na sila Lolo at Lola."

"Tama ka. Halika na para makauwi na tayo."

"Salamat sa pagkain." Sabay angat niya sa dala niya.

"Enjoy na enjoy ka eh at baka nabitin ka."

Tumawa siya. "Bitin na bitin nga. Huwag kang mag-alala, hati naman tayo."

Sumakay na silang dalawa ng sasakyan. Habang nasa biyahe siya, 'di niya alam kung bakit nalulungkot siya sa huling sinabi ni Roman tungkol sa kanyang ama. Imbes na galak at saya na makikita niya muli ang kanyang ama, tila ba lungkot ang kanyang nararamdaman.

Para bang lungkot at takot nab aka kunin man siya ng kanyang ama, hindi na niya makikita muli si Roman.

To be continued...

A/N: Umaarangkada na po tayo. I hope nandiyan pa rin kayo. Maraming salamat. ChuAmnidah.

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now