MAFIA V2.03

49.7K 1K 106
                                    

Lianne's POV

Nagising ako nang may narinig akong kaladabog at yabag ng mga paa na papalapit sa akin.

Nang sinubukan ko ang gumalaw ay hindi ko magawa. Nakatali sa likoran ko ang mga kamay ko at wala din akong makita dahil may naka takip sa mga mata ko. Hindi rin ako makasigaw dahil may naka takip na packing tape sa bibig ko.

"Lianne.. Lianne.. Lianne.. ang pinaka mamahal ni Rowin. " Nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang buhok ko.

Nasaan ba ako? Rowin Nasan ka ba? Alam mo ba kung nasaan ako?

Nararamdaman kong hindi lang siya mag-isa. Dahil nakarinig ako ng mahinang halakhak sa kanila. Hindi pamilyar ang boses na ito sa akin. It's the first time that I heard it. Nakaktakot ang boses niya. It's so intimidating.

"Kaya ka pa kayang i-ligtas ng Asawa mo? Wala na ang dating Rowin na kilala ko. Tuluyan na siyang naging Mahinang lalake. That is such a shame."

Bigla niyang hinawakan ang baba ko at ini-angat ito. "Rowin used to be a Ruler.. He used to be the strongest Mafia that I know. "

Sinubukan kong sumigaw. Ngunit ang sigaw kong ito ay hindi sapat upang may makirinig sa akin.

May bagong kaaway na naman ba si Rowin? Akala ko ay tapos na kami sa yugtong iyon ng buhay niya.

"Gahasin niyo na 'to"

Nanginig ang mga tuhod ko sa sinabi niya. May lumapit na dalawang lalake sa akin. Inalis nila ang pagkakatali ko at hinawakan ang dalawang kamay ko. Sinubukan kong magpumiglas pero masyado silang malakas.

Napaiyak na lamang ako dahil maske ang maibuka ko ang bibig ko ay ang hirap kong gawin.

Maybe this is the end of me..

Akala ko okay na ang lahat. I thought I was living a normal life.

Pero bakit? Bakit hindi kami lubayan ng kapahamakan.

Mabuti nalang at wala sila Riley sa bahay. Kung nandon sila baka nakita nila ng nangyari sa akin.

And I will never forgive myself for that.

"Boss. Wala na ang mga Bata natin sa labas!" Napatigil ang dalawang lalake na nakahawak sa akin.

"Tignan niyo!" Sigaw naman nong lalakeng kumausap sa akin kanina.

Nang binitawan nila ako ay tinanggal ko kaagad ang nakapiring sa mata ko at ang tape sa bibig ko.

Nakita ko ang lalakeng medyo mataba at kalbo na susugudin na sana ako. Pero maagap akong nakailag sakanya.

Akmang susuntukin na naman ako pero yumuko ako at napurungan ko siya sa panga.

Mukhang nahilo siya sa ginawa ko kaya habang hindi pa niya ako inaatake ay kinuha ko ang kayo sa sahig at ipinalo ko sa likod niya.

"Ikaw!" Sigaw nito sa akin. Nang sugurin ako nito ay ihinanda ko ang paa ko.

"Haaaaa!"

Napaluhod ito sa harapan ko nang sinipa ko ang pagitan ng mga hita niya.

"Effective pala 'to?" Napatitig lang ako sa kanya nang mahiga siya sa sahig. Nakamulat lang ang mga mata nito at nakanganga siya.

Buhay pa naman siguro ito?

Napatigil nalang ako nang may marinig akong pagkasa ng baril.

Hindi ako gumalaw sa kinaroroonan ko nang marinig ko ang mga yabag niyang palpit sa akin.

"I'll give whatever you want. Just don't kill me" Nagmakaawa ako sa kanya. Naiiyak ako at bumilis ang pitik ng puso ko. Anytime he wants to fire.. I am dead.

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon