Chapter Twenty Six

242K 4.9K 167
                                    

Chapter Twenty Six
The Rightful Owner


Lianne

Medyo may kamahalan ang fees dito sa Resort nila Rowin. Pero sulit naman ang bayad dahil napakaganda ng dagat. Dinadayo talaga ito ng ga turista. Nakakarelax umupo habang tinitignan mo ang dagat.

"Maganda ba?" tiningala ko ang isang lalakeng lumapit sa akin. Tila nasilaw pa ako dahil ang nasa likod nito ay sinag ng araw.

Nakita ko ang buong mukha nito nang umupo ito sa harapan ko. Mukhang banyaga. Pero di gaanong kaputian. Kayumangi ang balat at ang gwapong ngumiti.Maganda ang pangangatawan dahil kitang kita ang magagandang balikat ang muscles nito sa kanyang puting sando. Hapit pa ang baywang nito sa suot.

"Mag isa ka ba?"

"May mga kasama ako dun."

"Mag isa ako eh. " Tinignan ki naman siya habang nakatingin sa malayo

"Bakit naman?" Umiling iling naman ito
.
He look so playful on the outside yong tipong hindi mabilis mapikon at hindi bugnutin

"Business."

"Eh ikaw? Bakit ka andito kung may mga kasama ka?" Pabalik nitong tanong sakin.
Tumawa ako ng mahina bakit nga ba ako umalis duon?

"May kalandian asawa ko eh naisip ko manlandi rin." Pagkasabi ko nito ay humalakhak ito at saka tumingin sakin.

"You're funny."

"Totoo nga. "

"Let me tell you an advice" sinenyasan ako nito na lumapit. Lumapit ako kaunti at ang lapit na ng mga mukha namin.

"Seduce him."

"Ha?" Napalayo ako sakanya at nanlaki ang mata ko.

"Trust me. Nagpipigil na yun. You just have to pull the triger."

"Di mo pa kase kilala ang asawa ko kaya nasasabi mo yan" naghalukipkip ako at sumandal sa upuan. Sumunod naman ang tingin niya sakin.
Bigla nalang itong tumayo at hindi inalis ang titigan naming dalawa. Nagulat ako nang bumaba ito sa akin at humawak sa magkabilaan ng upuan kung saan ako nakaupo.

"Yes I know him very well. He should be punching me right now"

"Anong sinasabi--"

"Rowin!" Napatayo ako kaagad nang makita kong sinuntok niya yung lalake
Hindi ko inaasahang nakangiti pa ito kahit dumudugo na iyong labi niya

"It's okay. It's not my first time" Tumawa pa ito.
Napalandas ang mata ko kay Rowin na masama na ang titig sa lalakeng sinuntok niya at sunod sunod rin ang pag hinga nito.

"Rowin..." mahinang tawag ko rito

"You have to choose your girls properly, Ron!" galit na galit nitong saad sa kanya

"I like married girls, But not your wife" ani naman nung lalake

Ha? Magkakilala ang dalawa!? Ang lawak ng ngisi nuong Ron habang nakaigting parin ang mga panga ni Rowin na hindi mo na yata mapapakalma

"By the way. I'm Ron Daniel Nieves. Pinsan ako ni Rowin and you are Lianne, right?" Naglahad ito nang kamay pero tinapik ito ni Rowin. Tinaas naman ni Ron ang dalawang kamay at nanatiling nakangiti. Umatras ito at nagpaalam na sakin.

"Pinsan mo pala siya bakit ganon mo siya tratuhin?" Hinarap ko siya

"Ron is obviously flirting with you!" Halos magdikit na ang mag kilay nito. Napansin kong naiinis parin ito kahit lumayo na si Ron

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon