Chapter Fourty

233K 4.3K 123
                                    

Chapter Fourty
The Long Lost Love

Lianne

"Salamat po" Nginitian ko si Venice nang inabutan ako nito ng isang tasa ng mainit na kape. Kasalukuyan kaming nandito sa Agency. Sinabi ni Rowin na ihahatid nalang niya ako sa bahay pero sabi ko sasama ako sa kanya.
Kanina ko pa inaamoy ang jacket ni Rowin na ipinatong niya sakin kanina. Amoy Rowin talaga. May iisang amoy talaga ito.

Napatingin ako kay Rowin na naglalakad palapit sa akin.

"Okay ka na ba? Gusto mo bang kumain?"
Ngumiti lang ako sa kanya at napailing iling. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Matagal siyang nakatitig dito. "Let's go outside" medyo malambing ang boses nito.
Hanggang sa paglabas namin ay hawak hawak parin ni Rowin ang kamay ko.

Sunod sunod ang mga taong nawala kay Rowin nitong mga araw. I can't even imagine how painful he was feeling.

"I'm sorry about Vale.." Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano baa ng rason ni Vale kung bakit siya nagalit kay Rowin at umabot sa ganito ang nangyari.

"The shooter said he intended to kill Vale because of grudges. Makukulong siya sa ginawa niya. Vale didn't make it to the hospital... "
Rowin touched my lips. Malapit sa bandang sinampal ni Vale kanina. "I have to admit that I didn't like what Vale did to you.. Galit parin ako sa kanya. But I never want him dead "

Nagulat nalang ako nang biglang namuo ang luha ni Rowin sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"B-bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw ang may ari nito?" Napaawang ang bibig ko nang bigla niyang inilabas ang kwintas niya.

"Diba nangako ka? Pag nakita mo na suot ko to, Malalaman mo na , na ako to? Why didn't you say anything to me?"

"R-Rowin..." Parang bumigat ang loob lalo nang makita kong tumulo ang luha ni Rowin. This is the saddest tears that I have seen coming from him so far.

I should be happy. But whenever I think of how long we were separated and wondered how we live our lives... Lalo kong naiisip kung gaano kadami ang oras na nawala sa aming dalawa.
I wished I saw him right after the fire. Pero ni wala akong ideya kung buhay pa siya o hindi.

"Patawarin mo ako, Hindi kita nabalikan. " hinawakan ni rowin ang dalawang kamay ko nang mahigpit.

"Masaya ako na nakita kita ulit. Masaya ako na ikaw yung kasama ko ngayon"

I smiled just like how I usually smile to him. "Ang tagal kitang hinanap. Ang tagal kong hinanap 'yong batang mahilig sa puting rosas." Napatawa kaming dalawa nang mahina

"Tanda mo pa?"

"Ofcourse. How could I forget that Kid.."

***

Pakiramdam ko napakahaba ng tulog ko. Nahirapan akong idinilat ang mata ko at parang gusto ko pa ulit ipikit yung mga mata ko Nilakihan ko ang pagkakabukas ng mga mata ko nang may makita akong bulaklak sa kama.

Ang daming White rose sa kama ko, Pero parang ang labas patay na ako?

Pero, since paborito ko ang puting rosas, Natutuwa ako.

May dalawang nakabasket ng putting rosas, may dalawang naka boquet ang iba naman ay nakakalat lang sa higaan ko.

"Goodmorning Lianne Nicoline Mendoza Nieves" Nakita ko si Rowin na binuksan kaunti ang pintoan ko at sumilip doon.

"Bat' ang daming bulaklak? Patay na ba ako?"

"Napadaan ako sa Tindahan ng bulaklak malapit sa Laundry Shop. Nilagay ko labahan natin." Sabi naman nito at niluwangan ang pagkakabukas

"Aga mo naman nagising. Bakit hindi mo ako ginising" Tumayo ako sa higaan ko at niluwangan ang pagkakabukas ng pintoan.

Biglang ilinapit ni Rowin ang mukha niya sa akin. Napapikit ako habang palapit ng palapit ito.

"1," Idinampi niya ang labi niya sa noo ko.

"2" ang pangalawa ay sa ilong ko.

"3" at ang huli ay sa labi ko.

Tinakpan ko ang bibig ko at napatalikod. Hindi pa ako nag totoothbrush!

But I feel so loved upon waking up. Nakakakilig gumising na makita ang mga bulaklak na inihanda mismo ng asawa mo.

"Ang ganda niyang kuwintas mo" saad ko sa kanya. Nakalabas na kasi ito ngayon. Dati yata ay tinatago niya

"Maganda rin yung nagbigay." Kumindat pa ito sa akin.

Parang walang masamang nangyari sa akin kahapon. It felt like I am back to my ordinary life. Yun nga lang si Rowin ang nag hahanda ng breakfast. Rowin is a good cook. Parang mas masarap ang luto niya kaysa sa akin. Mahilig nga lang siya sa maanghang.

"Bakit hindi ka nalang matulog sa kwarto? I think it's about time we share the same room." Biglang sabi naman nito habang nagsasalin ng juice sa baso ko.

"Hmm. Okay lang din. "

"Okay lang? So napipilitan ka nga"

Napahalakhak ako sa ekpresyon ng mukha ni Rowin. Para siyang bata na gustong magtampo.

"Gusto ko kasama kita lagi"
Inilapag naman niya ang pitcher na nalalgyanan ng juice at itinungkod ang kamay niya sa mesa.

Hindi ako nakagalaw habang papalapit ang mukha niya sa akin.

"Nagdala kami ng Pizza-"

Agad na tumalikod si Rowin nang may marinig kaming pumasok sa pintoan

"Hmm. Breakfast" Napatikhim si Rowin at naglabas naman ng ilang pinggan.

Napatingin ako kila Gab na kakapsok lamang dito at may bitbit na dalawnag pizza.

"Magpalit kana kaya ng password mo" biglang sabi naman ni Gab nang mailapag niya ang pizza sa mesa.

"Yeah, I think I should" sumangayon naman si Rowin kanina

"Kaysa makaistorbo naman kami" saad naman ni Jake habang papalapit sa amin

"Well, Gusto lang naming i-congratulate si Rowin dahil nahanap ka na niya." Ani naman ni Gab.

"Biruin mo dalawa na kaming naghanap sayo? Andito ka lang pala." Natatawang saad naman ni Jake

Dumating din sila Luke at Tyron na may dalaing beer at pagkain. Parang nagkaroon ng party dito sa bahay ni Rowin.

I didn't know that every one of them knows the story of the white rose kid.

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon