Chapter Seven

336K 8.2K 464
                                    

Chapter Seven
The Transformation

Lianne

Kasalukuyan akong nasa balcony nang makita ko ang kotse ni Rowin sa baba. Pero si Gab ang lumabas doon at nakita kong inaalalayan niya si Rowin na bumaba sa kotse. Bumaba kaagad ako sa hagdan at pinagbuksan ko sila ng pinto.
Ihiniga namin si Rowin sa couch. Amoy na amoy talaga yung alak grabe. Ang dami naman niya yatang ininom. Parang si Tatay lang ang baho pag lasing pero hindi naman mabaho si Rowin. Mas mabaho naman si Tatay.

"Gusto ko siyang iakyat sa kwarto niya pero batak ang katawan nito. Bigat niya" Hinihingal na sabi ni Gab habang nakapamaywang naman ito.

"Oy pag nagsalita salita ito mamaya sapakin mo lang ha? Pagkakataon mo na ito" Hindi ko alam bakit ako napangiti bigla sa sinabi niya. Oo nga naman pagkakataon ko na bumawi.

Hindi na nagtagal si Gab. Siguro iiwan ko nalang din ito dito sa baba hindi ko naman siya kayang buhatin. Bumalik ako sa kwarto pero hindi ako makatulog. Malamig na ang panahon lalo pang malamig ngayong gabi.. Di kaya siya ginawin don sa baba?

Hindi ko alam kung bakit ko pa naisipang magdala ng kumot dito sa baba. Yakap yakap ko ang kumot habang nakatingin sa kanya.
Kung titignan mo nga naman ang ganda ng pag kakaukit ng abs niya. Medyo fitted kasi ang inner shirt nito. Saktong sakto ang leather coat nito sa mga matitigas niyang braso. Ang haba din ng mga paa nito. Diko alam na may mga taong biniyayaan ng perpektong katawan. Ako kase hindi.

In the end I gave him the blanket. Kaysa hindi ako makatulog sa konsesnya ko diba? Pero parang hindi pa ako inaantok. Umupo ako sa kabilang couch at pinagmasdan ko siyang natutulog. Pag iisipan ko muna saglit kung anong pwede ko ngang gawin sa kanya.

***

"Tulong!" kanina pa ako sumisigaw dito pero parang walang nakakarinig. Hindi ko alam kung saang lugar ito. Napakadilim at tanging ang apoy lamang ang nagpapaliwanag sa buong silid. Kanina pa palakad lakad itong lalake na para bang hindi siya mapakali.
"Huwag kang maingay bata ka!" Akmang hahampasin na sana ako ng kahoy ng lalakeng naka mask nang hinarangan ng isang binatang lalake ang katawan niya sa akin
"Huwag nyo siyang sasaktan!" Sigaw ng binata. Hindi nag dalawang isip ang lalakeng sipain ang binata. Napaiyak ako habang pinapanood siya. Kanina pa niya sinasaktan ang binatang kasama ko. Hinila ako ng isang lalake naka mask din. Narinig ko ang pagsigaw sakin ng binata kasabay ng pagungol niya sa panununtok sa kanya.
"Matigas ka talagang bata ka! Nasan na ang tatay mo! Nasan na ang pera niya!" sigaw naman nong lalake.
" Wag po! Wag! Tulong!" napahagulgol ako sa iyak nang akmang pupunitin na niya ang damit ko.

**

"Lianne! What the hell is happening to you!" Para akong iniligtas ng boses na iyon. Nagising ako sa sigaw ni Rowin. Everything felt so real. Mabuti nalang panaginip lamang iyon.

Nagulat ako nang makita kong nakahawak si Rowin sa dalawang kamay ko. Anong nangyari?
Napanaginipan ko na naman iyon. Bumangon ako at nakatingin sa dalawang kamay ko.

"A-re you okay?" Kunot noo'ng tanong ni Rowin
"Okay lang. Pasensya na."

Dito na pala ako sa sala nakatulog kagabi sa sala. Nakita ko sa kusina si Rowin na nag luluto ng pan cake. Lagot nauna siyang nagising sa akin.

"A-Ako na ang mag-"

"Umupo ka nalang jan at kumain kana. Susunduin ka ni Gab in 30 mins. " sabi naman nito.

"Bakit san kami pupunta?" tanong ko naman sa kanya habang nag lalagay ng pancake sa pinggan ko.

"Tonight is my Parents' anniversary party. You should pick a dress" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Ibig sabihin dadalhin na naman niya ako don para magpanggap na jowa niya? Este asawa daw niya?

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon