Chapter Fifteen

287K 5.2K 57
                                    

Chapter Fifteen
The Good Start for a better Relationship

Lianne

Ilang araw din ang nakalipas at natapos ang kaso ni Jano. Dahil nalaman na nila ang tunay na may sala at napatunayang Inosente si Jano. Ngayon namin inihatid si Jano sa bago niyang tahanan. Ang mga bata na kasama niya ay tinanggap sa bahay ampunan. Nagpaalam rin kami kaagad sa Orphanage nang matapos namin makausap ang nga bata.

Kanina pa kami walang imik ni Rowin mula nang makasakay kami hanggang ngayon. I haven't thanked him properly.

Kagabi siguro ang isa sa mga pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ko. I had the same fear back when I was kidnapped. There is a lot of reason to belive Rowin is the bad guy, But I felt safe last night. Nararamdaman kong hindi naman siya ganoong tao.

Napasulyap ako ng titig sa kanya habang na stuck kami sa traffic. Kanina pa ito nakatingin sa harap.

Kapag naalala ko kung paano ako piniggy back ride ni Rowin ay hindi ko mapigilang mahiya. I was able to wrap my hands around his neck, I didn't know Rowin from behind look so handsome, Hindi ko parin maintindihan kung bakit nandyan siya para akong hinahabol sa lakas ng tibok ng puso ko. Maybe I got it during our first encounter.

Teka! Bakit ba ito ang iniisip ko!
Kung iisipin mo naman, He was like a Knight in shining armor last night. He save me when my mind is calling him out loud. Hindi ko din inaasahang dadalhin niya ako sa hospital at iyong pagbuhat niya sa akin ng bride style...

"Ano ba!" Napasigaw ako at sinapak ang ulo ko. Hindi ko namalayan na nawawala na naman ako sa wisyo.

Napatingin ako kay Rowin sa gilid na nagulat yata sa akin.

"You can ask me." Napatingin kaagad ako kay Rowin habang nagmamaneho siya

"Alin?"

"Kung saan tayo pupunta" sabi naman nito.

"Saan nga ba?"

"Sa Restaurant ni Mommy"

Magdadate kaya kami? Sabi kase niya ay sa restaurant nila Mommy niya? Pero! Erase Erase Lianne! Bakit ka naman idadate ni Rowin ? You're not his type. But I'm his wife. Nope, Slave rather. San ka pa nakakita ng Slave na idadate?

"Bakit tayo pupunta duon?"

"Just wondering if you want to work with my mom. Kaysa naman sa bahay ka araw araw. Wala ka naman ibang magawa. Baka maisipan mo nang irenovate ang bahay ko dahil wala kang magawa, I just want you to take a look kung gusto mo."

Parang gusto kong mangiti pero pinigilan ko. Saka ko lang pinakawalan ang ngiti ko nang mapadungaw ako sa bintana at nagreen na ang traffic light kaya umandar ulit ang sasakyan namin.

Napansin siguro niya na may mga display akong inayos at iniba ng lugar.

Ilang minuto pa ang byinahe namin sa daanan at natagpuan rin namin ang Restaurant ng Mommy ni Rowin. Namangha ako sa kalawak nito.

Hanggang 2ndfloor ito. Halos GlassWindow ang nakapalibot rito at makikita mo ang mga tao sa loob. Napatiuna naman si Rowin sa pag lalakad at sumunod lang ako.

Tinanguan niya ang Security Guard bago nagpatuloy sa loob. Pagpasok ko ay literal na napanganga ako. Ang classy kase ng features sa loob! Sa harapan ay may maliit na stage at may drumset, piano at iba pang instrumento.

"Lianne!" Sinalubong ako ng yakap ni Tita Mira at gumanti rin ako ng yakap rito.

"How's the place for you? " Nakangiti itong nakatingin sa akin. Tumango ako at ngumiti rin. Para akong nagalakan sa ideya ni Rowin na pagsama sakin rito.

"Gusto ko po"

"Sige, Dahil napaka ganda ng ngiti mo dito kanalang sa counter. Para ganahan ang mga customer natin lalo" Parang excited na ang tono ng boses ni Tita Mira. Pinaupo naman ako ni Tita Mira sa Counter. May matataas kase na upuan rito sa malapit sa Counter. Pagbalik ni Tita Mira ay may dala na itong dalawang tasa ng Kape at may Icing at mallows sa top nito. Tumutulo rin ang chocolate syrup nito mula sa tuktuk ng mallows

"Taste it Lianne. Best Seller namin yan rito na beverage." Bigla namang sabi ni Rowin nang kinuha ang isang tasa ng kape mula sa tray.

"May banda po ba rito gabi gabi?"

"Yes ija. Kamakailan lang ay nakakuha kami ng permanent Band. Kase mula ng nagkolehiyo si Rowin ay wala nang tumutugtug rito."

Napaawang ang bibig ko matapos kong tikman ang Coffee na binigay ni tita. Marunong kumanta si Rowin?

"Well, I'm not gonna brag. " Natatawang sabi nito.

"But when Rowin was younger sila ang tumutugtug dito kasama ang mga kaibigan niya for free. Nagkataon naman na medyo popular sila sa mga kababaihan kaya dinadayo sila dito noon. Lalong madami ang customer kapag sila ang kakanta tuwing gabi" Napangiti ako at bumaling sa harap kung nasaan si Rowin na kausap ang isang worker dito. Hindi ko naman inaasahan na bukod sa paggamit ng baril ay may alam pa siyang gawin.

"How about you Lianne? May interest ka ba sa musika ija?"

"Natuto lang po akong mag gitara sa Papa ko po.Dahil kinakantahan niya kami ni Mama noong bata pa po kami." Tumango tango naman ito at umimom siya kaunti nung coffee

Bigla kong naalala ang mga araw na kasama ko si Papa. Napaka palangiti kase nito at nakakahawa ang kasiyahan niya. Hindi naman ganong kagaling kumanta pero napakalambing ng tono ng boses. Magkaiba sila ng Step father ko. Ganun paman, I know he became a good father in his own way.

"May pagkapareho rin kayo ng anak ko pala. Rowin's good in Guitar. Sila ni Tyron ang lead vocal sa banda nila noon. 'Mafias' ang tawag sa banda nila dati " Yumuko ito at ngumiti

"Mafias?"

"Yes. They said the Rowin looked like a mafia boss because of his grumpy face. "

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tita Mira. May point naman kase siya. Sang ayon ako don

"I just wished maibabalik niya iyon. When my Rowin's life was still normal. Magkakasama kami sa bahay.. Rowin sleep at home.. ngayon ay si Rohan nalang ang nakatira sa bahay.. Minsan ko na nga din lang makita yun dahil sa sobrang busy niya. Siya na kase ang umaasikaso sa kompanya namin. Rowin is not interested in it. "

At some point narealize ko na lahat ng ginagawa ng tao ay may rason. Nang marinig ko ang ginawa ng isang agent na nag ngangalang Palomares na iginiit ang katotohanan dahil gusto niyang itakas si Jano at ang ibang mga bata ay naalis ang masamang tingin nila sa kanya. Bakit ba tayo nag lilihim?

Maybe because we don't want other people to get hurt

Or We wanted to protect somebody else

Or maybe the truth is too much painful.

Hindi ko alam kung ano ang rason bakit tinahak ni Rowin ang daan na iyon. Even if I ask, he will refuse to say anything.

"Rohan and Rowin aren't in good terms either. Ang tagal na nilang magkagalit " Napatingin naman ako kay Tita Mira na ngayon ay nakatitig na kay Rowin

"Napansin ko din po"

"That's because they fell inlove to the same girl. " Nagbuntong hininga lang naman ito at uminom sa kape niyang dala kanina.

Sabi nila behind every bad guy is a woman.
Ngayon ko lang narinig ang tungkol dito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon tumugon ang sarili ko sa nalaman ko.

Ah, He was inlove before..

He knew what love is, and he eventually might have forgotten about it. Nakakalimutan naman natin ang tamis ng pag ibig kapag tayo ay nasaktan ng labis.

Maybe he was hurt.    

I didn't know that love can hurt so much that It could change a person.

But if it is the real reason why he changed, I hope he can find his way back to his self..

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon