Chapter Fourty Six

201K 3.9K 131
                                    

Chapter Fourty Six
The Broken Vows

Lianne

8 months later

"Archie! Jr.! Tama na 'yan!" ang sigaw ko sa mga batang naglalaro sa may basket ball court. Nang makita ako ni Archie ay kaagad niyang ipinasa ang bola sa iba niyang mga kasamahan at tumakbo paalis ng court. Agad namang sumunod sa kanya si Jr.

"Maghahapunan na, hindi parin ba kayo nagsasawang mag laro? Pawis na pawis na kayo"

"Hindi kase kami matalo ng mga kalaban naming ate, kaya panay sabi nila ng 'isa pa'" pagmamayabang naman ni Jr. Habang pinupunasan ko ang likod nilang dalawa.

"At saka ate, kaya na po namin umuwi nang hindi inaabot ng dilim" Nakapaywang na saad naman ni Archie sa akin na para bang matandang sinesermonan ako

"Mag a-alasais na kaya kuya? May orasan ba kayo?" humawak din ako sa bewang ko at tinitigan ko silang dalawa. Hindi naman sila nakaimik sa sinabi ko.

Inakbayan ko silang dalawa at nagsimula kaming maglakad.

Minsan iniisip ko kahit nadadagdagan ng edad ang mga kapatid ko, Hindi sila tumatanda sa paningin ko. Ganito rin kaya ang pakiramdam ng mga Nanay? Na lagi silang nag aalala sa mga anak nila.

"Oh Lianne! Nako!" Kaagad kaming sinalubong ni Tiya Alba nang makita niya kaming palakad papunta sa bahay.

"Bakit naman ikaw pa ang sumundo sa mga batang ito. Nagsabi ka nalang sana kay Tisoy."
"Okay lang po. Para makapag lakad lakad na rin po ako" Napangiti ako nang makita ko ang lamesa na may nakahandang pagkain.

Kumakain kami rito sa labas, May maliit na Kubo sa tabi ng Bahay namin. Isang compound ang tinitirahan naming at halos magkakamag anak ang mga nakatira dito.

Masaya ang buhay sa bukid, Simple lang at parang hindi mo ramdam ang problema maske sa pera o kung ano man. Dahil marami kang karamay dito.

Nakita ko ang pagbabago ng mga ekpresyon sa mukha nila Archie. Mas masaya na sila ngayon at mas madalas na silang ngumingiti. Alagang alaga sila ni Tiya Alba.

Wala kaseng anak si Tiya Alba at ang asawa niyang si Mang Erning. Kaya ibinuhos nila ang pagaaruga at pagmamahal sa mga kapatid ko.
Hindi ko rin naman inaasahang tatanggapin nila ako nang umuwi ako dito.

"Nay!" Napalingon kami nang marinig naming ang sigaw na iyon. Nakita ko si Tisoy na may hawak na isang basket ng talong

"Ibinigay ni Mang Boknoy. Pwede nating lutuhin bukas" tuwang tuwang ipinakita nito ang mga sariwang talong na bagong pitas lamang

"Nako, magbigay ka kila Nanay Biring mo" ani naman ni Tiya

"San' ka galing? Hinahanap kita kanina. Dinaanan ko rin sa court ang mga bugwit na ito. Nasundo mo na pala sila" Napatingin si Tisoy sa akin

"Ako ang sumundo sa kanila. " ang sabi ko naman sa kanya

"Hindi pwede na kung saan saan nag pupunta ang buntis. Mamaya mapano ka" Napatingin ako kila Archie at Jr. na tawa ng tawa habang nag hahanda ng mga pinggan. Parang may pinagbubulungan silang dalawa

"Concern si Kuya Tisoy" humagalpak sa tawa si Jr.

"Syempre Payag ba kayo na may masamang mangyari sa pamangkin niyo " Tumayo si Tisoy sa harapan nila Archie At Jr. Napailing iling ang dalawang bata sa kanya

"Okay lang ako. Saka kaya ko naman"

"Tama si Tisoy. Sa susunod na buwan ka na maaring manganak. Dapat mag ingat ingat ka" ang sabi naman ni Tiya Alba.

Dahan dahan kong isinarado ang pintoan sa kwarto ni Archie at Jr. Dahil parang hindi pa ako dinadalaw ng antok at lumabas muna ako. Naakit ang ng matinding liwanag ng buwan at ang mga kislap ng bituin sa labas.

This is one of things why I love being here, The night sky is so beautiful. Nakikita mo talaga mula dito.

"Ano pa ang ginagawa mo? Gabi na. Dapat natutulog ka na" Narinig ko ang boses ni Tiya Alba habang papalapit ito sa akin.

"Mamaya po kaunti." Ngumiti naman ako sa kanya at ibinalik ang mga mata ko sa mga bituin

"Tandang Tanda ko noong nagkwekwento si Ruel tungkol sayo noong araw" Napasulyap ako kay Tiya nang bigla ko siyang marinig na tumawa ng mahina

"Lagi niyang sinasabi noon, 'Napakaganda ng anak ni Elizabeth. Kumikinang ang mga mata niya na parang bituin. ' Lagi niya ring ipinagmamayabang kung gaano kaganda ang Mama mo. Siguro paraan niya iyon para
makumbinsi kaming pakasalan ang Mama mo"

"Kahit saan naman po yata ipinagyayabang ni Tatay Ruel iyan." Lumawak ang ngiti ko habang naalala ko ang Tatay. Hindi ko rin alam ang ibang bagay tungkol sa kanya. Dahil mag mula nang mawala si Mama, Lumawak ang distansya niya sa amin

"Kaya siguro ganoon nalang siya nasaktan nang mawala ang Mama mo."

"Si Tatay ay tao din. Paniguradong magiging mahina ka kapag mawala ang ka isa isang taong mahal mo"

Kasabay nang paghinga ko ng malalim ay ang mga alalang naiisip ko. Because I could only think of one person other than my step father

"Hindi mo ba ipapaalam sa kanya ang pinagbubuntis mo?"

Parang lalong nanikip ang dibdib ko nang itinanong iyon ni Tiya Alba

"Hindi na po muna siguro. Ayaw ko muna siyang kausapin tungkol dito. Hindi ko nga po alam kung nasaan siya ngayon"

Ihahatid ko sana sila Archie sa school nila. Pero nag prisinta sa Tisoy na idadaan na lang niya ang mga ito dahil pupunta naman siya sa bayan para magtinda ng mga mais.

"Nako, mukhang malapit ka nang manganak ha" Kaagad na sinalubong ni Tiyo Erning si Aling Biring nang may dala itong sari saring gulay.

"Ang dami naman nito Biring, makakain kaya naming ito" Natutuwang saad naman ni Tiyo

"Ay pakainin ninyo ang buntis na ito. Nang sa ganon healthy ang baby" ang sabi naman ni Aling Biring

"At para maging sing gwapo ni Ser!" Nagtinginan si Tiya Alba at Tiyo sa sinabi ni Aling Biring

"Sir? Sinong Sir?" ang tanong ko naman sa kanya

"Diba nagpunta na dati rito yung' asawa mo may kasama nga-" Hindi naituloy ni Aling Biring ang sasabihin sana niya nang tinakpan ni Tiya Alba ang bibig nito

"Lianne!" Nabulabog kami sa sigaw ni Noel, ang isa sa mga katiwala ni Tiya

"May nag hahanap sayo. Lalake nakakatakot siya!" Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong kotseng nakasunod sa kanya.

Bumukas ang kotse at iniluwal nito ang isang lalakeng naka suot ng brown na Jacket at naka shades. Sandali niyang tinitigan ang Lugar bago dumapo sa akin ang mga titig niya.

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon