Chapter Twenty

244K 4.8K 86
                                    

Chapter Twenty
The Care for her

Lianne

Pagdating ko ng bahay ay nakapatay ang ilaw sa sala. Tanging ilaw lang sa kusina ang nakita ko. Napansin ko ang mga lata ng beer sa sahig palapit sa kusina. Naaninaw ko si Rowin ruon

"Rowin? Naglalasing ka? " Agad ko siyang nilapitan pero parang wala siya narinig at patuloy sa pag inom. Ngayon at tinutungga naman na niya ang Bote ng alak

"Rowin? Kumain kana ba?" Pero hindi parin niya ako sinagot. Sinubukan kong agawin ang inumin niya pero hindi siya nagpatalo at inilayo ito agad sakin.

"Go away Mendoza!" Nagtaas ito ng boses.
At dahil tinawag na naman ako nito sa apelyido ko... Bumalik na naman yata ang dating Rowin na kasa kasama ko rito sa bahay

"Tama na yan Rowin. Wag ka masyadong maglasing gusto mo bang pagtimpla kita ng Kape?"

"Ano ba? Diba sabi ko Lumayo ka? Mahirap kabang Umintindi?"

Lasing na nga tong si Rowin. Tumayo siya at nagtungo sa kwarto namin sa itaas.
Kahit manlang sana Magkape siya.
Nagtimpla ako ng kape. Kinatok ko siya sa itaas. Bukas yung pintoan nakaupo sa sahig at tinutungga parin yung alak niya.

"Rowin.. Inumin mo to para magising ka kaunti. Tama na yan.." Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko lara makinig siya. Pero kinuha niya ang tasa ng kape at binasag ito sa sahig..

"I don't need you.."mahinang bigkas nito.
Tumayo ako at tumalikod..

Dahil na naman siguro ito kay Mia. Wala naman siyang ibang rason para magka ganito. Nangingilid ang mga luha kong lumabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko din maintindihan.

He looked so Miserable without the woman that he loved. Naalala ko din ang Tatay noon. Noong namatay si Mama.

Nagtungo akong kusina at pinagtimpla ko nalang siya ng gatas.

Paghakbang ko ng isang baitang sa taas ay may narinig ako kaladabog mula sa kwarto niya mga tunog ng pagbasag ng mga gamit. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Gusto ko sana siyang takbuhin sa taas pero binagalan ang pagakyat.
Nanatili ako sa tapat ng pintuan hawak ko ang mainit na tasa ng Gatas. Patuloy parin ang pagdabog sa loob narinig ko rin ang pagsigaw ni Rowin.

Sabi ng Tatay Ruel namin noong namatay si Mama ay parang nawalan ng buwan sa Gabi ang mundo niya. Papaano ba ang lumakad kapag walang ilaw?

Tandang Tanda ko pa kung paano niya ito sinasabi tuwing lasing.

I lost someone that I love. But I haven't lost a lover yet. Hindi ko alam kung gaano ito kasakit. Nakita ko ding namatay ang Papa ko sa harapan ko. Ang tunay kong ama, But I had to go throught it.

Rowin always act like he is strong. Dinadaan niya sa dahas. But I somehow feel he is weak. Siguro ganon na nga lang siya kamiserable sa pagkamatay ni Mia.

Naghintay ako sa labas hanggang sa wala na akong narinig. Maingat akong pumasok sa loob.
Nagkagulo na sa loob ng kwarto niya. May mga basag na gamit. Nakita kong nakayuko si Rowin sa mga tuhod niya at nakasabunot aa buhok nito. Iniwan ko ang gatas sa may malapit na lamesa sa kama namin. Lumapit ako kaunti at nakita kong dumududgo ang isa niyang kamay

Bumaba ako sa sala at naghanap nung medicine kit. Kumuha rin ako ng maliit na balde. Nilagyan ko ito ng yelo at tubig. Umakyat ako sa taas. Tahimik. Nakita ko ang baso ng gatas na iniwan ko dun. Nakalahati niya ito. Nakita ko na si Rowin sa kamang mahimbing ang tulog.

Maingat ko siyang tinabihan at pinunasan sa mukha. Ginamot ko na rin ang sugat nito sa kamay.

Nang matapos ako ay pinatay ko na ang ilaw. Bukas ko na siguro lilinisin ang mga kalat.
Sinara ko ang pintoan.

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon