SPECIAL CHAPTER

283K 4.2K 398
                                    







"Rowin! Magsasampay na!" Tawag ko kay Rowin. Tinanguan naman ako nito at kinurot muna ang pisngi ni Ryley sa Crib niya bago ako tinungo. Kasalukuyan kasi kaming Naglalaba.

"Asan ang isasampay?" Tanong naman nito sa akin at kinuha ang palanggana na hawak hawak ko "Ito at saka yung nandun Banlawan ko muna ito muna isampay mo."

"Sige!" Nakangiting sagot nito sa akin.



Mula nang ikinasal kami at Nanganak ako kay Ryley, Taong Bahay na si Rowin. Nakakatawa man dahil tinutukso siya ng mga kaibigan niya, Mas Ginusto naman ni Rowin at ni Mama ang pagstay nalang ni Rowin sa bahay habang Lumalaki si Ryley. Hindi ko rin kasi kayang solohin ang pagaalaga sa Anak ko. Siguro kapag lumaki na si Ryley pwede na sigurong magtrabaho si Rowin.

"Paaaaa!!" Napalingon kami pareho ni Rowin kay Ryley na nagsisigaw habang hawak hawak ang Stuff Stoy niyang si Epe. Ang Girlfriend daw niya.

"Teka! Magsasampay muna si Papa!" Natutuwang saad ni Rowin kay Ryley. Lihim ako napatawa habang nagbabanlaw. Naadik ang Anak ko kay Rowin. Minsan nagseselos ako parang mas gusto ni Ryley ang papa niya.

Pero sa totoo lang, Kapag nakikita ko sila.. Hindi ko maipaliwanag kung anong saya ang nararamdaman ko. Parang Kumpleto na ang buhay ko't wala na akong hihingiin pa.

"Maaaa! Paaaa!" Patuloy na pagsigaw ni Ryley sa amin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maaaa! Paaaa!" Patuloy na pagsigaw ni Ryley sa amin. Napahagalpak sa tawa si Rowin. Samantala ang binitawan niya ang Hanger at ang damit na sinasampay nito at tinungo si Ryler.

Nang makita kong binuhat ni Rowin si Ryley ay napatayo ako at nagtungo sa kanilang dalawa.

"Gusto mo dun Bubbles?" Tanong ni Rowin nang itinuro ni Ryley ang planggana na may sabon

"Ibaba mo na siya Rowin. Timplahan ko nalang ng gatas para hindi na magmaktol." Bubuhatin ko sana si Ryley mula sa kanya pero parang walang narinig ang mag Ama at nilagpasan ako. Napaawang ang bibig ko nang makita ko silang tinunga ang Labahan. Ibinaba niya si Ryley.

"Rowin! Sisipunin yan!" Sita ko naman sa kanya. Pero tawa parin ito ng tawa at nakipaglaro kay Ryley ng sabon. Si Ryley naman parang Babaeng hagikhik ng hagikhik. Di ko naman napigilan ang ngiti ko.

"Mamaaa Epe Epe!" Napahiyaw ito nang nalagyan ng Sabon yung Stuff Toy niyang Girlfriend daw niya.

"Okay lang si Epe! Nageenjoy daw siya!" Hinawakani ni Rowin ang magkabilang Pisngi ni Ryley. Ngumiti naman ito ng pagkalawak lawak at yinakap si Epe.

Sinuntok ko naman ang Braso ni Rowin "Lalalaki yang walang nobya sinasanay mo!"

"Eh ano naman. Hayaan mo na. Girlfriend niya daw si Epe di daw niya kayang Ipagpalit. " Halata ko ang pagpigil ni Rowin ng Tawa nito.

"Sinong may gusto ng Water Battle!" Itinaas ni Rowin ang Hose. Lumayo ako kaagad rito. at hinawakan si Ryley.

"Wahhhhh!!!!" Tumakbo palapit sa amin si Rowin dala ang Hose na may lumalabas na Tubig at ang lakad. Itinakbo ko si Ryley. Tuwang tuwa naman ito. Naghahabulan na kami. Wala na yung Labahan namin. Basa na rin ang ibang sampay

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon