Chapter Eighteen

254K 4.8K 185
                                    

Chapter Eighteen
The Proper Date

Lianne

Night market pala ngayon dito sa Guanzons Kaya kahit gabi na ay dagsa parin ang mga tao dito sa Plaza. Luminga ako sa paligid. Ang daming stall ng pagkain. Pinagmasdan lo ang lawak ng lugar. Maraming tao. Napalibutan ang kalawakan ng plaza ng nagtatayugang Buildings.

"Come on Lianne. "

"Bakit... dito tayo?"

Napatitig ako sakanya nang magpakawala ito ng tawa at bumaling sakin. Ang gwapo namang tumawa nito. Para ang namula. Tatawanan niya lang ba ako. Nakayuko siya ngayon sakin. Parang hinihintay na mag angat ako ng tingin. Napapisil ako sa daliri ko nang humakbang ito palapit sakin.

"Dito tayo magdadate ayaw mo ba?"

Hindi ako nakasagot. Pero kase hindi naman ito ang inaasahang kong date namin.
Akala ko ay sa magarang Reataurant kami kakain ni Rowin. Ito naman kase ang mga tipo niya. We made a quick stop sa mga mga stall ng 'tres dos'
Isang famous na street food dito sa Guanzons. Kumain kami ng atay, isaw, balat kwek kwe, balut at fishball.

Diko na matandaan kailan ako nakakin ng ganito. Pero this is like a paradise! Ang sarap ng street food. Kain ng kain si Rowin parang hindi nabubusog.

Walang karte arte kumain. Minsan parang tambay din sa kanto mag salita.

"Come, I'll show you something delicous." Hinigit niya ang kamay ko at napatiuna sa paglalakad.
Wait, Kakain pa kami? Di naman niay sinabing mag mu-mukbang pala kami di sana nag fasting ako.

Namamangha ako kay Rowin dahil parang madalas ito rito at sanay na sanay. Hindi ko akalaing ang isang kagaya niyang mayaman ay nagpupunta rito.

Tumigil kami sa isang Pwesto ng isang karinderya. Hindi gaano malaki pero may lamesa sa loob.

"Aling Siena!"

Bati ni Rowin sa isang babaeng mejo nasa 40s na ang edad na nagpupunas sa table

"AY! Ser Rowen! Sabi ko na nga ba at kayo iyong mabango!" Tumawa silang pareho.

Bale kapag mabango si Rowin agad? So mabaho lahat bago dumating si Rowin? Labo.

"Nga pala Aling Siena, Asawa ko po si Lianne." Hinila niya naman ang kamay ko paharap. Bunati ako sa kanya at nginitian naman ako. Puro hila itong si Rowin. Di na ko mag tataka kung mababalian na ako ng buto sa susunod.

"Nagpakasal ka na pala Bata ka. Magandang gabi Lianne. Umupo kayo ijo rito." Napangiti ako ng kaunti sap ag pronounce niya ng pangalan ko.
Umupo kami sa harap malapit sa pilian ng ulam. Nagdala ng tubig si Aling Siena sa lamesa namin. Mukhang close ang dalawa at sobrang saya ni aling Siena na kausap ai Rowin.

Napansin ko lang, kakaibang Rowin ang nakikita ko ngayon. Napakalawak ng ngiti niya na halos papikit na ang mga mata niya. Hindi ko alam na ganito pala siya makipag usap sa iba. Puro sigaw abot ko sa kanya sa bahay eh.

"Anong oorderin mo Ijo?"

"Paorder po ako ng... Hot Sizzling Rowin dalawa po at pahingi po ako ng Sweet Mouthwatering Rowin."

Saglit akong napatigil at dahan dahan akong tumitig kay Rowin. Akala ko nag bibiru lang siya pero sinusulat nag ni Aling Siena ang order niya!

"Sige Ijo. Sandali lang!" Galak na galak itong umalis at nagtungo sa kusina.

Pabalik balik ako ng tingin sa dalawa. Hindi ko sila maintindihan.

"What's wrong Lianne? Ayaw mo ba rito?" Biglang tanong ni Rowin na nakapukaw ng atensyon ko.

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon