Chapter Three

408K 8.2K 274
                                    

Chapter Three
The Escape

Lianne


"Being a slave, That is the payment." Napailing iling kaagad ako at ipinagpatuloy ang pag lilinis.
Hindi ko masyado maintindihan kung ano ang oraganisasyon na ito.

Tuwing nagtatanong ako kay Aling Lita ay ang sinasabi naman niya ay isa silang mga agents. Hindi ko na nakita Yung lalake mula nang magkasagutan kami at noong araw na dumating ako dito. Nalaman ko na Rowin pala ang pangalan niya mula kay Aling Lita. Sinasabihan din niya ako na mag iingat daw ako sa ibang mga lalakeng nandito.

"Ibigay mo na sakanila ito" Itinulak ni Aling lita sa akin ang isang case ng beer. Agad ko siyang inalalayan

"Ako na po. Mabigat po ito" Hindi naman sa hindi ako nabibigatan pero medyo matanda na rin kase si Aling Lita kaya ginagawa ko na ang mga mabibigat na Gawain dito.

Binuhat ko ang isang case ng beer papunta sa sala. Nagtatawanan lang sila at medyo mausok na dito sa sala dahil lahat naman ata sila nagyoyosi.

"ito ba ang bagong laruan ni Boss." Nagulat ako nang bigla akong pinalo sa pangupo ko nang isang lalake. Umatras kaagad ako pero may lalakeng humawak sa likod ko.

"Relax. Gabi na hayaan na muna natin si Aling Lita sa kusina bakit hindi ka muna makipag inoman sa amin?" Nanginig ang mga tuhod ko nang bumulong sa tenga ko ang isang lalake.

"Oo nga naman. Let's have fun" Inabutan ako ng baso ng alak nung' isang lalake. Ayaw ko tumingin sa kanila. Napayuko ako at gusto kong pumikit. Natatakot akong tignan ang mga reaskyon ng mga mata nila na para bang may balak silang masama sa akin.

"Do you think this is a bar!?" Natahimik silang lahat nang may biglang boses na umalingawngaw sa buong mansion. Nilubayan kaagad ako ng dalawang lalakeng nangungulit sa akin kanina. Napatingin ako sa direksyon na pianggalingan ng boses kanina. I saw Rowin with four guys behind him.

"Boss" Nauutal na saad ng lalakeng nagbigay sa akin ng alak. Nagtama ang mga paningin namin ni Rowin kaya kaagad akong umiwas.
Siguro ay pinagtatawanan na niya ako sa mga panahong ito. Ito naman ang gusto niya diba? Pahirapan ako at gawing alila.

"What did I told you Renz? Do not touch this girl" Sinigawan niya yung lalakeng nangungulit din sa akin kanina.

"Okay ka lang Miss?" Nagulat ako nang bigla akong nilapitan ng isang lalakeng kasama ni Rowin kanina. Hindi ko nga alam paano na siya nakarating agad sa kinaroroonan ko.

"I'm Gab. Kaibigan ko ang lalakeng ito" Turo naman niya kay Rowin na nakasimangot lang.

"She's my personal slave so she is mine alone." Pagbabanta naman ni Rowin sa mga body guards niya. Nakita ko ang pagngiti ni Gab habang nakatingin sa kaibigan niya.

Naglakad naman papunta sa hagdanan si Rowin. Nawalan na yata siya ng gana. Nagulat ako nang tinulak ako ni Gab papunta din sa hagdan

"Sundan mo master mo. Napaka pakipot niya." Narinig ko din ang pagtawa ng mga kasamahan niya.

"B-Bakit-"

"May sasabihin yan sayo. Dalian mo na baka ihulog ka niyan sa hagdan pag tameme ka pa dito" dagdag pa nito.

Nagmadali akong umakyat sa taas at sumunod sa kwarto niya. Half open yung pintoan kaya pumasok nalang ako. But that was a wrong move. Nakalimutan ko na yung manners na itinuro noong kinder palang kami na 'Knock before you enter'

Tumalikod kaagad ako nang Makita kong naghuhubad ito ng polo niya.

"Dika ba marunong kumatok?" Napansin ko ang pagkainis sa tono ng boses niya.

"Sorry Sir, aalis na –"

"Stay. I will tell you something" Napalingon ako sa kanya at sakto namang nakapagpalit na ito ng T-shirt niya. Ngayong naka simpleng with v-neck t shirt lang siya mas hapit ito sa katawan niya at mas nakikita ang mga kurba ng muscles at lalo na ang likod niya.

Hindi dapat ito ang napapansin ko. Lianne umayos ka!

"Mag empake kana ng mga gamit ko at sasama kana sa akin bukas"
Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Ibebenta na niya ba ako ng tuluyan? Anong gagawin ko? Hindi ko pa nakakausap ang mga kapatid ko. Hindi ko nga alam kung nasa bahay pa sila.

"Sir, bigyan niyo po muna ako ng pagkakataon maghanap ng ibabayad ko po sa inyo" Hindi ko namalayan ang mga luha kong tumulo. Sinubukan kong lumapit sa kanya pero napatigil ako nang humarap siya sa akin.

"Your Father was the one who told me that you can be the payment. Sumunod ka nalang sa utos ko. This place has been compromised"

susubukan ko pa sanang makiusap sakanya pero lumabas na kaagad siya ng kwarto niya. 

**

Hindi ko na hinintay ang umaga. Madaling araw pa lamang ay naghanda na ako. Tahimik naman ang buong mansion dahil kagabi ay nakita namin ang iba na nagmadaling umalis ng mansion. Mukhang may nakalaman yata ng lugar na ito.
Binuhat ko ang backpack ko at naglakad ako papunta sa kusina. Lumabas ako sa pintoan sa likod ng kusina. Maingat kong binuksan ang gate at mabilis akong tumakbo palabas.

Habang palayo ako ng palayo sa mansion ay humuhupa ang kaba ko. Konti pa, dapat tumakbo pa ako ng palayo. Kahit masakit na ang mga paa ko kailangan ko pang lumayo. Pipilitin kong tumakbo dahil kapag hindi pa ako makatakas ngayon hindi na ako makakalayo sa kanya habang buhay.

Nang lumiko ako sa kanto ay napatgil ako dahil may sumalubong sa aking lalake na hindi ako pamilyar sa hitsura.

"Saan ka punta miss? Baka naman gusto mong sumabay muna sa amin?" Napatingin ako sa dalawang kasamahan niya sa likod. Mukhang lasing siya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"Bitawan nyo ko!" Pagpupumiglas ko nang hinapit ako sa baywang at inamoy ang leeg ko

"Ang bango naman. Naliligaw ka yata. Gusto mo ihatid kita o dito ka muna sa amin?" Sabi naman ng isang lalakeng may hawak ng kamay ko.

Nanginig ang mga tuhod ko nang hinimas ng isang lalake ang likod ko at pababa ng pababa ang kamay nito. Kahit buong lakas akong kumalas sa pagkakahawak nila ay hindi ako makawala. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang tumakas. Pero Nauunahan na ako ng nerbyos sa kung ano man ang susunod nilang gagawin sa akin.

"Miss naman ang- " Nabitawan nang isang lalake ang kamay ko. Narinig ko ang pagbasag niya sa sahig.

Nagulat ako nang Makita ko ang isang lalakeng binasag ang bote ng alak at susunggaban na sana niya ang lalakeng nakatayo sa harapan ko nang bigla siyang hinarang nito at nahandusay rin siya sa sahig gaya ng lalakeng may hawak sa akin. Nakita kong' bumangon ang isang lalake at susugodin na sana niya ang lalake pero hinawakan niya ang kamay niya at sinuntok niya ito ng walang pasabi.

Napaupo ako sa sahig nang mamukhaan ko ang lalakeng nakikipagsuntokan. Ito na ang huling beses na makakatakas ako pero mukhang hindi na. Sinipa ni Rowin ang isang lalakeng babangon pa sana para sugudin siya.

I was startled when I felt his cold hands on my shoulders. Buong lakas niya akong pinatayo pero hindi ako makatayo ng maayos. May mga pasa pasa na din pala ang mga paa ko sa kakatakbo ko kanina at nararamdaman ko na ang sakit ng buong katawan ko. Nabigla siguro ako sa pagtakbo kanina dahil sa kagustuhan kong makatakas.

"You might not understand. This City is getting bad." Umatras ako para makalayo sa kanya

"Ikaw ang masama!" Napalakas ang tono ng boses ko. Napahagulgol ako sa iyak. Hindi ito mang yayari sa akin kundi dahil sa kanya.

"Pera lang ba mahalaga sayo ha? Ginagawa mo lang bang laruan ang ibang tao! May buhay ako pero kinuha mo yun sa akin!" Sasampalin ko na sana siya pero agad niyang nahuli ang mga kamay ko.

"I'm not the bad guy here. Your Father is. Don't you understand? Your father sold you!"

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at napatianod ako papunta sa kotse niya nang hinila niya ako.

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon