Chapter Eleven

294K 5.6K 624
                                    

Chapter Eleven
The Perks of being a Wife

Lianne

Napatingin ako sa binatang nasa tabi ko nang bigla itong gumalaw. Dahan dahan itong bumangon at tumingin sa akin.

"Hindi ka ba nila-" Umiling iling kaagad ako.
Ang dami niyang sugat at pasa. Siya ang umako ng mga suntok at sipa kanina. Dahil sa kanya hindi na nila ako pinagsamantalahan. Pero sobrang pang bubugbog naman ang ginawa nila sa kanya.

Napatingin siya sa dalawang lalake na mahimbing ang tulog.

"Tatakas tayo rito. Shhhhh!" sabi naman nito. Napatingin kami sa ibang mga batang mahimbing din ang tulog.

Siguro ay nasa 19 na ang taon nito o mas matanda pa. Hindi ko alam kung bakit din siya nasama dito. Ang alam ko lang halos mga bata , binata at dalaga ang kinikidnap nila.
Hindi napigilang mapatitig sa kanya. Kahit may mga sugat na ito sa mukha ay hindi mo parin maitatago ang makinis na kutis nito. Tamang tangos ng ilong at nakapaganda ng pagkakahulma ng mga panga nito. Sayang nga lang at medyo madilim, Hindi gaano kita ang kabuuan ng mukha nito.

"Sigurado ka bang kaya mo pang maglakad?" tanong ko sa kanya

"Oo.Kaya ko pa to." Ngumiti ito sa akin. Duon ko nasilayan ang napakagwapong mukha nito.

"Paano ka nakidnap?"

"Nakita kitang kinuha ng dalawang lalakeng iyon. Kaya sinundan kita kaso ay nabisto ako sa labas kanina kaha pati ako ay binihag na nila. "

"Pasensya ka na. Pati ikaw ay nadamay sa akin. Hindi ka na dapat pang sumunod"

Siguro nag aalala na sila Mama at Papa sa akin. Sana makalabas pa ako dito.

"Hindi. Wag kang panghinaan ng loob. Pag sinabi kong tatakas tayo, Makakatakas tayo. Kaya wag kang mag aalala bukas makakapag almusal kana sa bahay niyo"

Kahit papaano ay naiibsan ang takot ko. I didn't know what did I do to deserve something like this, Ganon pa man nagpapasalamat ako dahil may isang taong nakakaramay ko mga ganitong pagkakataon.

Sana masikatan nga kami ng araw bukas.

**

Nang lumabas ako sa kwarto ay nakita ko mula sa baba si Rowin na mukhang kakagaling lang sa pagjojogging. Pawisan pa ito at tumutulo ang pawis niya mula sa leeg hanggang sa dibdib nito. I think another version of Lianne inside me hopes that he would remove his jacket so that I could see more of his body. Malapit nang humulma ang sando niya sa mga linya ng katawan niya. Hindi ko naman inaasahan ganito ang maabutan ko sa umaga.

Napalunok ako at saglit na pinunasan ang pawis sa noo ko. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Pinaghandaan ko pa naman ang pagbaba ko sakaling kausapin ako nito. But that is maybe the least thing that Rowin would do. These days ay medyo naguusap na kami pero diko nga masabing paguusap nga ang iba. Pero sana humaba pa ang paguusap naming. 
Saktong pagbaba ko ay naghubad ng damit si Rowin at nagpunas ng towel. Wish Granted! Este napaka wrong timing naman ng pagbaba ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko at parang gusto kong umalis nalang at magtago. Pero bago pa man ako matauhan ay napalingon na sakin si Rowin

Nakangisi sakin atsaka bumaling sa kaniyang katawan. Bakit parang naging commercial ito ng toothphase at parang kuminang pa ang ngipin nito. Nang makita kong bubuka na ang labi niya para siguro inisin ako sa pagtingin ko sa katawan niya ay napabalikwas na ako ng takbo sa Kusina. Narinig ko pa itong tumawa ng mahina.
Mabilis akong nag handa ng Agahan.

Nagluto ako ng Itlog at Hotdog. Ito lang naman ang mabilis lutuin na nasa Ref. Nang makita ko na siyang patungo dito ay hinanda ko na sa mesa ang kanin at ulam. Pinaghandaan ko rin ito ng kape, pinggan, baso at kutsara. Ganito kase siya kapag kumakain. Basta na lang uupo.
Maigi kong hinugasan ang mga mangga na ibinigay ng aming kapitbahay na galing pang Probinsya. Gagawin ko nalang shake dahil masyado nang hinog ang iba. Para na rin hindi ko siya masabayan sa pagkain. Dahil pakiramdam ko hindi ako matutunawan.

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon