Chapter forty-three

23.1K 528 89
                                    

Wynna's POV

"Walanghiya ka, Nathan! Ilabas mo ang anak ko! Kidnapper ka!"

Wala akong pakialam kahit na makabulahaw ako sa kapitbahay ni Nathan. Malakas kong hinahampas ang gate niya. Wala siyang karapatan na basta kunin ang anak ko. Kung kailangan ko siyang idemanda ng kidnapping ay gagawin ko para mabawi ko ang anak ko.

"Nathan! Ilabas mo ang anak ko!" Muli ay malakas kong pinukpok ang bakal na gate.

Hindi nagtagal ay bumukas iyon at nagtataka ang mukha ni Nathan nang humarap sa akin. Nasa hitsura niya ang naistorbo lang sa kung anuman ang kanyang ginagawa dahil hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit. Pambahay na puting kamiseta at boxer shorts ang suot niya.

"Nasaan ang anak ko?! Ibalik mo ang anak ko! Kidnapper ka!" talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang basta kunin ang anak ko?

Lalong nadagdagan ang inis ko nang parang hindi man lang apektado si Nathan sa nangyayari. Kalmadong-kalmado lang ang mukha niyang nakatingin sa akin. Umiiling-iling pa nga siya tapos ay parang nagpipigil ng ngiti. Lalo lang iyong dumadagdag sa galit ko. Malakas kong binayo ang dibdib niya.

"Ilabas mo ang anak ko kung ayaw mong ipakulong kita. Wala kang karapatan sa anak ko. Ibalik mo siya sa akin!"

"Pumasok ka kaya muna," mahinahon niyang sabi sa akin.

"No! Hindi ako papasok diyan sa bahay mo. Ibalik mo ang anak ko! Ano pa ba ang gusto mo sa akin?! Nakuha mo na lahat 'di ba? Hindi ka pa ba kuntento sa mga ginawa mo? Hindi ka pa ba tapos sa pagpapahirap sa buhay ko?!" halos umusok na ang ilong ko sa sobrang galit.

Nakita kong tumingin sa paligid si Nathan at ganun din ang ginawa ko. May ilan ng mga kapitbahay ang lumabas at nakatingin sa lugar namin.

"Pumasok ka dito ng makapag – usap tayo ng maayos," Sabi niya at nilakihan ang bukas ng gate

"Hindi ako papasok! Basta ilabas mo ang anak ko!"

Pero hindi sumagot si Nathan. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa bahay. Na-out of balance ako kaya diretsong akong sumubsob sa dibdib niya.

Tulad ng dati, ang bango-bango ni Nathan. Kahit tingin ko ay hindi pa ito naliligo, nakakapanghina ang naghahalong natural masculine scent niya at imported na pabangong gamit. I remember the time when we were together. I missed his smell and the warmth of his body next to mine. Parang ayokong umalis sa malapad na dibdib ni Nate. I feel so secured. I feel comforted kahit na nga ilang taon kaming nagkahiwalay.

Shit. Paulit-ulit ko ng sinabi ko na kakalimutan ko na siya pero saglit lang nagkadikit ang katawan namin ay talagang bibigay na ako sa kanya.

Pero para akong natauhan nang bahagya siyang nag-ehem. Malakas kong itinulak si Nathan at parang nandidiring lumayo sa kanya.

"Where is Patrick?!" hindi ko pinansin ang nakakalokong ngiti ni Nathan sa akin. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay.

"Patrick! Mommy is here! We will go home now!" ang lakas-lakas ng boses ko. Isa-isa kong binubuksan ang pinto ng mga silid sa buong bahay. Pati mga banyo ay tinitingnan ko kung naroon ang anak ko. Iiling-iling lang na nakasunod sa akin si Nate.

"Patrick! Get out now! We will go home!"

"Puwede bang huwag kang sumigaw? Puwedeng mag-usap tayo ng maayos," sabi ni Nate sa likuran ko.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Mabilis akong umakyat sa taas at tiningnan ko ang dati kong kuwarto. Naiiyak na ako kasi wala pa rin dito ang anak ko.

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now