chapter twenty-one

11.3K 322 8
                                    

Wynna's POV

            Hindi na ako lumabas sa kusina kahit pa nga nakikita kong hindi na malaman ni Manang Marissa kung paano ang pagsisilbi na gagawin sa mga bisita ni Nathan.  Nakikita kong natataranta siya kasi ang dami-daming utos ni Paula.  Narinig ko pa nga na sinigawan ng pinsan ko si Manang kaya mangiyak-iyak na bumalik ito sa kusina.

            "Manang, umuwi ka na." Naaawa na kasi ako sa kanya.  Nasilip ko naman na mga lasing na rin ang mga tao na nasa sala.  Si Paula na lang ang naririnig kong maingay doon.  Ang lakas ng mga halakhak niya.  Napakarami niyang kuwento na siya lagi ang bida.  Napairap ako at napailing.  Magtataka pa ba ako?  Ever since naman, ganito na ang gusto niya.  Ang lagi siyang sentro ng atensyon sa lahat ng bagay.

Napahinga ng malalim si Manang at naupo sa silyang naroon.  Pagod na ang tingin ko sa kanya.

"Kung hindi lang dahil kay Nathan, aalis na talaga ako dito.  Hindi ko na kayang pakisamahan ang ugali ng babaeng 'yan." Naiiling pa na sabi ng matanda.

"Pabayaan 'nyo na ho.  Ako na ang humihingi ng pasensiya."

"Hindi ko maintindihan kay Nathan kung ano ang nagustuhan diyan.  Galaw pa lang at pananalita alam mo ng hindi maayos na babae.  Alam mo bang ayaw ng nanay ni Nathan sa babaeng iyan?  Hindi pa siya naihaharap kay Aling Norma," kuwento pa niya sa akin.

Hindi ako kumibo.  Alam ko naman iyon.  Very vocal naman si Aling Norma na ayaw niya kay Paula. Pero paano na lang kung malaman pa nila ang nangyari sa akin? Mas masamang babae pa ako kay Paula. Si Paula, maingay lang. Magaslaw. Samantalang ako, addict, pokpok pa sa paningin nila.

Sabay kaming napatingin sa relo ni Manang at pasado alas-diyes na rin pala.  Nagbalot ako ng mga pagkain para maiuwi niya.  Marami kasi kaming nailuto na alam naman naming hindi na rin makakain bukas.  Hindi rin naman masyadong kumain ang grupo ni Nathan at mas gusto ang mag-inom.

Inihatid ko hanggang sa gate si Manang.  Ako na lang ang magtatapos ng mga ligpitin sa kusina.  Konti na lang naman ang mga iyon.  Isa-isa kong dinadampot ang mga kaserolang pinaglutuan namin nang marinig ko ang malakas na boses ni Paula.

"Good night, boys.  Grabe!  Nilasing 'nyo ako.  Magpapahinga na muna ako at baka puyatin pa ako ng kaibigan 'nyo," natatawa pang sabi nito.

Napairap ako at napailing.  Ang arte talaga. Kailangan pa ba niya iyong i-broadcast sa mga kaibigan ng boyfriend niya?

"You're staying here tonight?" narinig kong tanong ni Nathan kay Paula.

"Why?  There is something wrong?  Hindi ba puwede?  Madalas naman akong dito matulog 'di ba?" halata ko ang iritasyon sa boses ni Paula.

Wala na akong narinig na sagot kay Nathan.  Ilang minuto pa ay tuloy na naman sa kuwentuhan ang mga kasama ni Nathan.  Mas maige pang marinig ang mga maingay na boses ng mga lalaking kasama niya kesa naman sa nakakarinding boses ng pinsan kong maarte.

Damn it.  Bakit ba ako naiinis? Bahagya kong ipinilig ang ulo ko.  Bakit ba ako naapektuhan kung dito man matulog si Paula? Mag-syota sila ni Nathan at uso na naman ang ganoon ngayon.  Kahit hindi kasal ay tabi matulog sa kama.  

Inis kong dinampot ang mga plastic ng basura at inilabas.  Inayos ko ang salansan at pagkakabuhol para hindi mabuksan ng mga pusa. Maaga naman itong kukunin ng basurero bukas.

"Gabing–gabi na 'yan, ah.  Magpahinga ka naman."

Muntik na akong mapasigaw sa narinig kong biglang nagsalita mula sa likuran ko.  Nakilala kong si Sean iyon.  Ang kaibigan ni Nathan na lantarang nagpapakita ng interes sa akin.  Naninigarilyo at tinitingnan ang ginagawa ko.

Love will come someday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon