chapter four

12.8K 311 42
                                    

Wynna's POV

"Wynna, have you seen the money that I put on top of the shelf last night? It cost fifteen thousand pesos. Pambayad sana sa kuryente," nasa itsura ni mommy ang pag-aalala.

Iyon agad ang bungad sa akin ni mommy nang bumaba ako sa kusina namin at sumabay na mag – almusal.

"Wala akong nakita," inis na sagot ko. Bakit ba niya itatanong sa akin? Nagastos ko na iyon. Naibigay ko na kay Victor para maipang-gimik namin.

Napakagat-labi pa ako nang maalala ko ang ginawa namin kahapon. Yesterday was the best day of my life. After weeks of being together, having fun with his friends, he really made me do it. We made love yesterday. That was my first time. Ibang klase ang feeling. Everything was perfect. I can feel that he really loves me.

"Wynna."

Napatingin ako kina daddy at mommy na parehong nakatingin sa akin. Pati si kuya Wesley ay nagtatanong din ang tingin.

"May tinatanong kayo?" hindi ko maintindihan kung bakit ako nagiging iritable kahit sa mga simpleng tanong nila.

"I am asking kung bakit hindi na pumupunta dito si Meg. Hindi na rin madalas tumatawag. Aba, mag – iisang buwan na rin 'yon." Sabi ni mommy.

Umirap ako. "I don't know with her. Madami naman kasing arte iyon." Painis akong sumandok ng kanin at ng ulam.

"Hey. We are talking about Meg. She's your friend since freshman. May problema ba kayo?" tanong pa ni dad.

"We don't have a problem? Bakit ba ang kulit 'nyo?" Pabagsak kong binitawan ang mga kubyertos na hawak ko. Bakit ba nila tinatanong sa akin si Meg? Hindi ko nga alam kung ano ang problema ng babaeng iyon.

Hindi ko na nga alam ang nangyayari sa school kasi hindi naman na ako pumapasok. Madalas tambay lang kami nila Victor dito at kung hindi naman, nandoon kami sa bahay na tambayan nila.

"Wynna, nagiging bastos ka. Umayos ka," boses ni kuya Wesley iyon.

Inirapan ko lang siya at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.

"How's your exams?" Tanong pa ni daddy.

"Okay." Maiksing sagot ko. Exams? Pakialam ko sa exams. I was busy partying with my new found friends.

"Okay? That's it?" Pangungulit pa ni dad.

"Yes. Okay lang."

"But Paula said your exams are a bit hard. Nahirapan nga daw siyang mag - review. Samantalang ikaw hindi man lang kita nakitang nagbuklat ng reviewers," sabi pa ni dad.

Umirap ako at pinilit kong kumain kahit na walang tigil ng pagsi-sermon si daddy. Si Paula na naman ang narinig ko. Bakit ba lagi na lang kailangan akong i-compare kay Paula? Eh 'di siya na ang magaling. Siya na ang maganda. Siya na ang matalino.

"Did you hear that Paula wanted also to be a Cum Laude this coming graduation? I am sure, masaya sa family kung dalawa kayong ga - graduate na may honor," nakangiti pang sabi ni mommy.

Napailing na lang ako at napabuga ng hangin. Ayoko ng magtanong pa sila sa akin kaya tumayo na ako. Sa school na lang ako kakain o sa bahay ni Vic.

"Wynna. Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Para kang ibang tao," mataas na ang boses ni dad.

Tinawanan ko lang siya. "Later!" At tuloy - tuloy na akong lumabas. Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag sa akin.

Pagdating ko sa school ay dumiretso ako sa madalas na tambayan ng mga kabarkada ni Victor pero sa malas ay wala pang tao doon. I should be in my first class for today but instead, dumiretso ako sa canteen to eat my breakfast. I ordered a soup and coffee. Medyo masakit pa ang ulo ko gawa ng hangover kahapon. Sabagay ilang linggo na ba akong laging may hangover. Grabe kasi 'tong sila Victor walang katigil-tigil sa gimik.

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now