chapter seven

11K 286 19
                                    

Nathan's POV

Hindi ko kayang umuwi muna sa bahay. 

Sigurado akong gumawa na ng gulo si Victor doon.  Sigurado akong naisumbong na niya ang nangyari sa magulang niya.  Wala na sana akong pakialam doon.  Sanay na akong pagbintangan nila sa mga bagay na hindi ko naman ginawa.  Ilang beses na ba nila akong sinisi sa mga bagay na alam naman nilang si Victor ang gumawa?  Hindi ko na mabilang.  Nagnakaw, nakasira ng kung ano.  Sinanay ko na ang sarili ko sa ganoon.  Pero ngayon.  Ang ibinibintang ni Victor sa akin ay hindi ko matatanggap dahil hindi ako namimilit ng babae kapag ayaw sa akin.  Mahal ko si Wynna pero hindi ko siya pipilitin na maging akin kung ayaw niya.  Wala naman akong maibibigay sa kanya bukod sa pagmamahal ko.  Wala akong pera, hind kami mayaman.

Nagbuga ako ng hangin bago ako pumasok sa malaking bahay.  Agad akong sinalubong ni Mang Rey.

"Bakit ngayon ka lang?  Kanina ka pa hinihintay ng nanay mo," Pagsisinungaling ko.  Halata ko sa hitsura ni Mang Rey na nag-aalala siya.

"May tinapos pa kasi ako sa trabaho.  Nasaan ho si nanay?"  Ipinapanalangin kong wala naman sanang nasabi na si Victor kung anong nangyari sa eskuwelahan.  Ayokong mag-alala pa si nanay.

"Nathan, ano ba kasi ang ginawa mo?  Matindi ang ibinibintang sa iyo ni Sir Amado," sabi ni Mang Rey.

Kumunot ang noo ko.  Si Tito Amado?  Teka, bakit naging si Tito Amado?  Kay Victor lang ako may atraso dahil sa bintang niya sa akin.

"Nathan!  Putang ina ka!  Ilabas mo ang pera ko!"

Pareho kaming napatingin ni Mang Rey sa sumigaw at nakita kong si Tito Amado iyon at galit na galit ang tingin sa akin.  Agad na humarang sa akin si Mang Rey para hindi ako mapagbuhatan ng kamay ng tiyuhin ko pero naabot pa rin ako ng suntok niya. 

"S-Ser, ser.  Tama na po.  Pag-usapan 'nyo muna 'to," awat ni Mang Rey sa tiyuhin ko.  Sa likuran ni Tito Amado ay naroon si Helga at si Victor na tatawa-tawa.

"Ang kapal ng mukha mo.  Pakain na namin kayong mag-ina, paaral na kita, binihisan, pinatira dito sa bahay ko, nanakawan mo pa ako.  Ilabas mo ang pera ko!" Galit na galit na sigaw ni Tito Amado.

"Ano hong pera?  Wala akong perang kinukuha sa inyo," sagot ko.

"Tarantado ka!  Sumasagot ka pa?!  Ilabas mo ang perang ninakaw mo!"

"Wala akong perang ninakaw sa inyo.  Baka 'yang anak 'nyo ang nagnakaw ng pera mo.  Huwag mong ibintang sa akin ang gawain ng anak mo.  Alam 'nyo naman na siya ang may kagagawan 'non.  Nagbubulag-bulagan lang kayo na hindi ninyo nakikita na lulong na sa droga ang pinakamamahal 'nyong anak!" hindi ko na natiis na hindi sumagot sa kanila.

Nakita kong natigilan si Tito Amado sa sinabi ko. Namula ang mukha sa galit.

"Ang kapal ng mukha mong putang ina ka!" mabilis na lumapit sa akin si Tito Amado para suntukin ako pero inawat ito ni Mang Rey.

"Gago ka, Nathan.  Ako pa ang pagbibintangan mo?  Ikaw lang naman ang magnanakaw dito.  Masyado ka kasing wannabe na yumaman.  Alam naman ng lahat na katulong lang kayo dito," sabi sa akin ni Victor.

"Hayop ka, Victor.  Lahat ng kagaguhang ginagawa mo sa akin mo ipinapasa.  Anong ginawa ko sa iyo para ganituhin mo ako?  Kung ayaw 'nyo kami dito, aalis kami.  Matagal na kaming nagtiis ng nanay ko na tratuhin 'nyo kaming parang basahan.  Sawa na ako.  Aalis na kami dito," tinalikuran ko na sila pero mabilis akong pinigilan ni Mang Rey.

"Kung may aalis dito, ikaw lang iyon.  Ikaw lang naman ang walang karapatan sa bahay na ito.  Maiiwan ang kapatid ko.  Ikaw, ngayon pa lang, umalis ka na." sabi ni Tito Amado sa akin.

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now