Chapter twenty seven

11.4K 321 24
                                    

Nathan's POV

Malakas na tunog ng telepono ang nagpagising sa akin. What the hell? What time is it? Kinapa ko ang telepono kong nakapatong sa bed side table at kahit nakapikit pa ako ay sinagot ko iyon.

"Nate." Boses lalaki iyon. Sino ba ito?

"Sino 'to?" antok na antok pa talaga ako. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Inubos ko kasi ang kalahating bote ng whisky na nadampot ko sa kusina.

"Attorney Montoya here. Tulog ka pa ba?"

Pinilit kong imulat ang mga mata ko at bumangon sa kama. Nakapa ko ang mga nakasabog na mga litrato ni Wynna sa hinihigaan ko. Ang iba nga ay nadaganan ko pa.

"Attorney. What's up? May problema? Ang aga mong tumawag," sagot ko sa kanya. Napabuga ako ng hangin ng makita ko ang mga litrato. Inimis ko ang mga iyon at ibinalik sa kahon na lalagyan.

"Maaga? It's eleven o' clock in the morning."

Napatingin ako sa relo at totoo nga ang sinasabi niya. Shit. Tanghali na pala. "Is there a problem?"

"Victor is in jail."

Nawala yata bigla ang antok pa na nararamdaman ko. Tama ba ang narinig ko?

"What? Anong nangyari?" pinilit kong bumangon sa kama at marahang hinilot-hilot ang batok at ulo ko. Ang bigat. Hangover 'to.

"Drug raid. Nahuli sila sa isang bahay sa Makati. Two of his friends were killed. Mabuti na lang at hindi nanlaban si Victor," sabi ng abogado.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano ang marararamdaman ko dahil sa nangyari sa kanya. He had it coming to him. Lalo pa nga ngayon na sobrang higpit ng gobyerno pagdating sa droga.

"Anong plano mo? Are you going to help him?"

"Bail him out pero i-diretso mo sa rehab. He really needs that." Napapailing na sabi ko.

"Are you sure? You're helping him now?" Parang hindi makapaniwala si Attorney Montoya sa narinig na sinabi ko. Alam naman kasi niya kung gaano kalaki ang galit ko kay Victor. Pero naisip ko lang, tama si nanay. Hindi ko na kailangang mabuhay sa galit dahil sa ginawa niya sa akin. Siya na mismo ang sumira sa sarili niya.

"That's the least I can do for him. Make his stay comfortable. Basta umayos lang siya."

Hindi ko maintindihan kung bakit parang biglang gumaang ang pakiramdam ko. 'Yung bigat ng dibdib na nararamdaman ko ng mga nagdaang taon, parang biglang nawala lahat.

"Alright, if that's what you want. How about Wesley's case?"

"Kaya na ba nilang magbayad?"

"Well, I talked to him and he is willing to pay five hundred thousand a month. I don't know how he is going to do it. Alam mo naman na pabagsak na rin ang negosyo nila plus his mom is still recovering from a mild heart attack."

Napangiwi ako sa narinig ko.

"Give him some time." Iyon na lang ang nasabi ko.

"Okay. I'll see you in the office tomorrow." Iyon lang at pinatayan na ako ni Attorney ng call.

Naihilamos ang mga palad sa mukha ko. Mabilis kong tinungo ang banyo at naligo tapos ay nagbihis. Dadaan na lang ako sa opisina tapos ay isasama ko uli si Wynna para dalawin si nanay. Mukhang gustong-gusto kasi ni nanay si Wynna. Nagkakasundo sila.

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now