Chapter Thirty Five

11.7K 323 24
                                    

Wynna's POV

Ayokong maniwala sa nakikita ko. 

Si kuya Wesley ba talaga ang nandito?  Hindi ako makagalaw.  Hindi ako makasagot.  Naguguluhan ako sa bilis ng mga pangyayari.  Ipinikit-pikit ko ang mata ko para masiguro kong nandito talaga si kuya.  Totoo nga!

"'Tang ina mo, Nathan anong ginawa mo?" Galit na galit ang itsura ni kuya habang tumingin kay Nathan nang pumasok siya sa loob ng kuwarto.  Napakunot ang noo ko nang makita kong may putok sa may kilay si Nathan at putok sa may labi.

            "W–wait.  Kuya Wesley?  What happened?" Takang-taka ako.  Anong ginagawa niya dito?  Paano niya nalaman na nandito ako?

            "What happened?!  He used you!  That's what happened!  Kung hindi pa ako kinausap nila Tita Jocelyn hindi ko malalaman na inaalila ka na pala dito ng lalaking ito!" Galit na galit si kuya.  Nasali pa si Tita Jocelyn na nanay ni Paula.

            Grabe ang kaba ko.  Nagpapapalit-palit ang tingin ko kina kuya at Nathan.  Gusto kong magsalita siya at ipagtanggol niya ang sarili niya kay kuya pero tahimik lang si Nathan.

            "K–kuya Wesley, no.  It's not what you think.  This is my idea.  I asked him to let me do this para hindi ka makulong," sagot niya sa kapatid.

            "Na sinamantala naman ng gagong iyan!" Kitang-kita ko na halos mag-apoy ang mata ng kuya ko sa paraan ng pagkakatingin niya kay Nathan.  "This is his plan.  That animal used me to get to you para makaganti sa iyo.  Kinaibigan niya ako, he used our family just to get to you.  Our parents trusted him," halatang masama ang loob ni kuya kay Nathan ng tumingin siya dito tapos ay sa akin.  "Talagang ginipit niya ako sa sitwasyon ko ngayon para gumawa ka ng paraan.  This is his entire plan para makaganti siya sa iyo.  Tita Jocelyn told me everything!"

            Tumingin ako sa gawi  ni Nathan at tahimik lang siyang nakatingin sa akin.  Gusto kong magsalita siya at sabihin niya kay kuya ang mga sinabi niya sa akin.  Sabihin niya kay kuya na mahal niya ako at ako ang pinili niya.  Gusto kong sabihin niya kay kuya na mali ang sinasabi ng kapatid ko.

            Pero hindi nagsalita si Nathan.  Yumuko lang siya.

            "Nate?" Hindi na ako nakatiis na hindi siya tanungin.  Nasaan na ang mga pinag-usapan namin? 

            "Don't be stupid, Wynna.  All of us, parte tayo ng paghihiganti ng lalaking iyan.  Sarili lang niya ang concern niya.  Lahat ng taong tumarantado sa kanya noon, he just wanted to get even," tumingin si kuya kay Nathan.  "You think I wouldn't know?  When I found out what you're doing to my sister, I investigated.  Your uncle, your cousin, then si Wynna.  Idinamay mo pa kami."

            "Nate, please tell him that it is not true.  Sabihin mo sa kanya ang mga sinabi mo sa akin," pinilit kong patatagin ang sarili ko pero ibang-iba ang itsura ni Nathan ngayon.  Tahimik lang siya at mukhang wala siyang balak na magpaliwanag.

            "N-Nathan-" tuluyan na akong napaiyak dahil wala talaga siyang sinabi. 

            Ano 'to?  Bakit hindi siya nagsasalita?  So totoong pinaasa lang ako ni Nathan?  Pinaniwala na mahal niya?  Pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.  Nagkamali ba ako?  He was still consumed by hate and he doesn't know how to love at all?

            Nagulat ako nang biglang mariing hawakan ni kuya Wesley ang kamay ko at pakaladkad akong hinihila palabas ng silid.  Doon ko nakitang gumalaw si Nathan at lumapit sa amin at inaawat si kuya.

            "Wesley, dahan-dahan.  Nasasaktan si Wynna," sabi niya at sinubukan niyang pigilan ang kuya ko.

            Malakas na itinulak ni kuya si Nathan at napasandal siya sa dingding ng kuwarto.

Love will come someday (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora