chapter nine

11.3K 339 15
                                    

Wynna's POV

Todo ang pakiusap ko kina mommy at daddy kung puwedeng huwag na lang akong umattend sa 30th wedding anniversary nila.  Kahit na nga dito lang sa bahay gagawin ang celebration, hindi ko pa rin kayang humarap sa mga bisita nila at mga kamag-anak namin.  Alam na alam ko na ang sasabihin nila.  Madalas noon, laman ang pamilya namin sa usap-usapan tungkol sa pagiging drug user ko kaya hindi ko masisisi si kuya Wesley kung bakit grabe ang galit niya sa akin.  Hindi matatawaran ang kahihiyang ibinigay ko sa pamilya ko.

            Pero ngayong gabi, ramdam ko ang saya sa mga bisita namin nang makita nila ako.  Ramdam na ramdam ko ang init ng pagtanggap nila sa pagbabalik ko.  Kung noon, puro panlalait at masasamang salita ang naririnig ko mula sa mga tito ko at tita, mga pinsan, mga kaibigan nila mommy and daddy, ngayon puro papuri ang naririnig ko sa kanila.  Mommy was so proud that I am a counselor in the rehab and I helped many kids to overcome their addiction.  Everyone knows that I was a drug user pero mas nakikita nila ang malaking pinagbago ko. 

"Wynna, nakita ka na ba ng Uncle Rod mo?"

Nilingon ko si mommy na may bitbit na plato ng pagkain.  Nakita pa rin niya ako dito sa sulok ng garden.  Minabuti kong dito na lang manatili dahil hindi ko pa rin kayang humarap sa bisita namin.  Nahihiya pa rin ako.  Naroon din kasi ang mga kaibigan ng kuya ko na ang iba ay nakatingin sa akin and I know that look.  Alam kong pinag-uusapan nila ako.  Saka okay na rin ako dito kasi nakikita kong nagsasaya sila mommy.

"Yes, 'mom. Kanina pa nung dumating sila," sagot ko sa kanya.

"Bakit ba nandito ka?  May bisita kang dumating hindi mo man lang hinarap," sabi pa ni mommy sa akin.

Kumunot ang noo ko.  Bisita?  Wala akong inaasahang bisita.  At hindi ako magkakaroon ng bisita kahit kailan dahil wala na akong kaibigan.  Pinutol ko naang kaugnayan ko sa mga taong magpapaalala ng nangyari sa akin.

"Wynna!" Ang lakas ng boses niya.  Napatayo ako nang makilala ko kung sino iyon tapos ay parang naiiyak na tumingin ako kay mommy.

"I called her.  I told her you're back.  She never misses to call me and ask about you." Kumaway si mommy kay Meg bago kami iniwan.

"M-Meg," hindi ako makalapit sa kanya.  Nahihiya ako sa kanya.  Grabe ang ginawa kong pagtakwil sa kanya noon.

"Don't say anything." Nakataas ang kilay na sabi niya sa akin tapos ay ngumiti siya.  "I missed you."  Mabilis siyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.  Doon na ako napaiyak at yumakap din sa kanya.

"Sorry.  Sorry sa lahat ng nagawa ko."

"You don't need to say sorry.  You're back and we are good.  Okay?  Kalimutan natin kung ano ang nangyari." Nakangiting sabi sa akin ni Meg.  Pinahid pa niya ang mga luha ko.  "Look at you.  Ang ganda-ganda mo.  Hindi ka pa rin nagbabago.  Lalo kang gumanda at sumeksi."  I know Meg was  just telling me those para hindi ako makaramdam ng guilt feeling sa mga nagawa ko sa kanya.

"Forgive me?" hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa nagawa ko sa kanya.

"Oh, please.  I said we are good."  Nakangiting sabi nito sa kanya.  "I heard from Tita Julia that you are a counselor in the rehab.  That is good.  Marami kang mga kabataan na natutulungan."

Nagkibit ako ng balikat.  "After what happened, I want to help other people to change.  Ang hirap, Meg.  It's been three years pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari.  Sobrang nahihiya ako sa pamilya ko, sa iyo.  I can't forgive myself."  Nangilid na naman ang mga luha ko.

"Hey, you are clean.  You helped yourself to stand again.  Tao ka lang.  Nagkakamali.  Ang mahalaga kung paano ka lumaban at bumangon para magbago.  And here you are.  You are helping people.  I am so proud that you are my friend."

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now