chapter twelve

11.3K 321 11
                                    

Wynna's POV

            Ang kanina na masayang kasiyahan sa bakuran namin ay napalitan ng tensyon dahil sa nangyaring gulo kay Nathan at kuya Wesley.  Maagang nahinto ang celebration nila mommy and nakiusap na lang si Uncle Felix sa mga bisita na umalis na lang at pinauwi ang lahat ng mga pagkain.  Nanatili na lang kaming pamilya sa loob ng bahay para mapag-usapan namin ang gulo na nangyayari sa pamilya.

            Mom is okay now.  Nahimasmasan na siya dahil sa nangyari pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.  Naroon sila lahat sa sala.  Si dad, si mommy, si Uncle Felix at si kuya Wesley.  Hindi na ako sumama doon.  Nanatili lang ako sa front porch kasama si Meg at nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila.

            Napapapitlag ako sa bawat pagsigaw ni daddy.  Galit na galit talaga siya.  Pakiramdam ko ay ibinabalik ako noon, 'nung mga panahon na galit na galit siya sa akin.  Grabe ang panenermon niya kay kuya. 

            "What have you done, Wesley?  Kaya pala nauubos ang mga kotse natin dahil ibinibenta mo.  Tapos ibinenta mo pa ng tuluyan ang nag-iisang negosyo na pinagkukunan natin ng kabuhayan?  I built that with myself!" malakas na sigaw ni dad.  Napatingin ako kay Meg at ngumiti lang siya ng mapakla sa akin.  Nahihiya kasi ako sa kanya at naririnig niya ang problema namin.

Nakita kong nakayuko lang si kuya Wesley at iiling-iling.

"Kailan ka pa natutong magsugal?  Kailan pa?  At kailan mo balak sabihin sa amin na lulong na lulong ka na sa pagsusugal?  Kailan mo sasabihin sa akin na pati ang ikinabubuhay natin ay ibinenta mo na?!" Nanlalaki ang mata ko ng malakas na suntukin ni daddy si kuya.  Bagsak sa lapag si kuya at mabilis na umawat si Uncle Felix.

            "Paquito, tama na.  Pag – usapan natin ang problema.  Hindi maaayos ito sa ganito," sabi ni Uncle habang inaawat si daddy.  Naaawa ako kay mommy kasi wala siyang magawa at iyak lang siya ng iyak.  Gustong-gusto ko siyang lapitan pero minabuti kong manatili na lang malayo sa kanila.  Alam ko naman na sariwa pa rin sa pamilya namin ang mga nagawa kong pagkakamali at ayoko ng makadagdag pa iyon sa nangyayaring problema ngayon.

            Pinilit magpa-kalma ni daddy at humarap kay Uncle Felix. 

"What are our chances?  Makukulong ba ang gago na 'yan?" Ang sama ng tingin ni dad kay kuya.

            "Hindi ko alam.  Pero kasi may mga cheke na ini-issue si Wesley.  Ang problema, walang pondo ang mga cheke niya.  Bouncing checks and estafa ang puwedeng i-kaso sa kanya.  I am suggesting to talk to Nathan and makipag-settle na lang." sagot ni Uncle.

            "Hindi ko alam kung makikipag – usap pa ang tarantadong iyon," sagot ng daddy.

            "I'm going to pay that.  Pabayaan 'nyo na akong sumulusyon sa problema ko," narinig kong sabi ni kuya.

            "At paano ka magbabayad?  Baong na baon ka sa utang.  Fifteen million, Wesley.  Saang kamay ng diyos natin kukunin ang perang 'yan?  Kahit ibenta natin 'tong bahay, kulang na kulang na pambayad ito sa utang mo." nagngangalit ang mga panga ni daddy sa sobrang galit.

            "Ako na ang bahalang gumawa ng paraan.  Huwag na kayong dumamay sa problema ko." Halatang iritang-irita na si kuya.

            Napahinga ako ng malalim at tumayo ako.

            "Saan ka pupunta?" takang tanong ni Meg.

            "I'll try to help," sabi ko at pumasok sa loob.  Tiningnan lang ako ni daddy at napailing.  Bumaling ako sa kapatid ko.  "K-kuya, I know Nathan.  Puwede ko siyang kausapin para –"           

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now