chapter thirteen

10.9K 331 17
                                    

Wynna's POV

Tinutubuan na ako ng inip habang nakaupo sa loob ng mamahaling restaurant na ito. Café de Cecille ang pangalan at kilalang high end restaurant dito sa BGC. Isang oras na akong nasasawa sa pag-inom ng kape kaya pakiramdam ko ay nanginginig na ang mga tuhod at kalamnan ko. Parang nagkamali yata ako ng ininom kasi parang lalo lang akong kinabahan sa gagawin ko. Inisang lagukan ko ang natitirang kape sa puswelo tapos ay kumaway sa waiter para magpa-refill.

Kabisado ko na nga yata ang mga galaw ng bawat waiter at customers sa loob ng restaurant. Gusto ko mang kumain pero parang hinahalukay ang tiyan ko sa kaba. Baka masuka lang ako. Nginitian ko ang waiter na nagsalin ng kape sa puswelo ko at muli akong tumingin sa relo ko. Another fifteen minutes have passed. One hour and fifteen minutes na akong naghihintay dito. Napahinga ako ng malalim. Hindi na yata darating ang taong hinihintay ko.

Dinukot ko ang telepono ko at tinawagan ko si Meg. I needed diversion. I needed something para kumalma ako.

"Nakausap mo na siya?" tanong niya agad sa akin.

"Are you sure regular customer siya dito? I've been waiting for more than an hour pero hindi pa siya dumarating." Nag-aalala din ako na baka masayang lang ang lakad ko.

"Diyan kami nagkita last time. And nabanggit niya na ang office niya ay sa taas ng building na 'yan at diyan siya everyday nagla-lunch. Maghintay-hintay ka pa. Another fifteen minutes baka dumating din naman para hindi masayang ang lakad mo." Nasa tono din ni Meg na nag-aalala siya.

"I don't know if I can do this. Paano kung ayaw niyang makipag-usap sa akin? Dad tried. Uncle Felix tried and even kuya Wesley pero hindi niya hinarap."

"Relax ka lang. Just act normal. Mag-uusap lang kayo. Makikiusap ka lang. Kilala naman natin si Nathan 'di ba? Understanding naman 'yan." Sagot niya.

Noon. Understanding siya noon.

Napabuga ako ng hangin at napailing. "Okay. Sige na. Thank you. Tawagan na lang kita kung anong nangyari."

Iiling-iling kong ibinalik ang telepono sa bag ko. Tumingin uli ako sa relo ko at another five minutes have passed. Hindi na siguro siya darating kaya dumukot na ako ng pera at tinawag ang waiter para kunin ang bill ko hanggang sa mapako ang mata ko sa dalawang taong pumasok sa loob ng restaurant. Para akong nabuhayan nang makilala kong si Nathan iyon pero agad din akong kinabahan kasi kasama niya si Paula.

Hindi na muna ako nagpakita sa kanila. Tiningnan ko lang sila habang papasok at naglalambingan sa isa't-isa. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng inggit. Kitang-kita ko kung paano asikasuhin ni Nathan ang girlfriend niya. He pulled a chair for Paula and when he saw that she was settled already, he gave her a sweet kiss on her forehead. Napangiti ako. Hindi pa rin nagbabago si Nathan. He was still the gentleman guy I knew from my past. Naisip ko na kung si Nathan kaya ang sinagot ko noon at hindi si Victor, siguro mas maayos ang buhay ko ngayon. Hindi siguro ako ganito na ang baba ng tingin sa sarili at lagi kong ikinakahiya ang ginawa ko.

Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako nagkalakas ng loob tumayo at lumapit sa puwesto nila. Kakapalan ko na ang mukha ko.

"E-excuse me. I am sorry for disturbing both of you."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Nathan ng makita ako tapos ay nakakapanliit ang paraan ng pagtingin sa akin ni Paula mula ulo hanggang paa.

"What are you doing here?" inis na tanong ni Paula at inirapan niya ako bago dumampot ng baso at uminom doon.

Hindi ko na lang siya pinansin. Si Nathan ang kailangan kong kausapin at hindi siya. Wala akong pakialam sa kanya. Kay Nathan ko ipinako ang tingin ko na nanatiling nakatingin sa akin. Nakatitig sa tamang salita na parang kinakabisado ang itsura ko.

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now