chapter thirty-nine

11.4K 341 55
                                    

Wynna's POV

            "Honey, are you sure you want to do this?"

            Napangiti ako habang ipinagpapatuloy ang pag-iimpake ng mga gamit ko. Alam ko ng si mommy iyon at tulad ng mga nagdaaang gabi, mukhang alam ko na kung saan tatakbo ang pag-uusapan namin.

            "I have to, mom.  Everything is already settled. And I want to start a new life," sagot ko at pilit na isiniksik sa maleta ang piraso ng mga damit.

            "But you can start your life with us.  Nag-uumpisa na tayo 'di ba? Umaayos na ang pamilya natin. Hindi mo kailangan na lumayo uli.  Hindi ka na guguluhin ni Victor. Nag-usap na kayo at nangako siyang magbabago na at hindi ka na guguluhin," sabi ni mommy. Nakita kong yumuko siya para itago ang mga luha niya.

            Napahinga ako ng malalim at inihinto ko ang ginagawa ko tapos ay tumabi ako kay mommy.

            "Mom, we already talked about this. Um-oo ka na 'di ba? Ikaw pa nga ang nagsabi na magandang opportunity ito para sa akin. Bakit ganyan ngayon?"

            "Kasi akala ko hindi mo itutuloy. Bakit ngayon ka pa aalis? Mas kailangan mo ang tulong namin. How will you take care of yourself this time? You need us more lalo na sa kalagayn mo ngayon," tuluyan ng napahagulgol si mommy.

            Para namang piniga ang puso ko sa nakita kong itsura ni mommy. Talagang ang lakas ng hagulgol niya. Umaalog pa ang balikat. Inakbayan ko si mommy at hinalikan sa pisngi.

            "You don't need to worry, mom. I promise, I'll take care of myself. I'll take care of my baby."

            "Kaya nga.  Ngayon ka pa ba aalis gayung mas kailangan mo ang tulong namin?  How will you take care of yourself?  You need us more lalo na sa kalagayan mo ngayon," umiiyak na sabi niya sa akin.

            Hindi ako nakasagot sa sinabi ng mommy ko. Wala sa loob na sinalat ko ang tiyan ko. Wala pa namang umbok doon dahil eight weeks pa lang naman ang baby ko. Mabilis kong pinahid ang luha ko dahil naisip ko na naman na lalabas ito ng walang ama.

            "Why don't you tell Nathan about your situation?  Baka naman panagutan ka niya kapag nalaman niyang buntis ka. Hindi siya papayag na umalis ka," tingin ko ay desperada na si mommy kaya kahit ang mga imposibleng mangyari ay naiisip na niya para mapigilan akong umalis.

            "Let it go, mom.  You promise me you will not tell Nathan about this.  Please.  Kahit na hindi na para sa akin.  Para na lang sa magiging anak ko.  Sa magiging apo mo. Ayokong ipilit ang isang bagay na alam kong hindi naman tatanggapin ng lalaking iyon."

            Hindi na sumagot si mommy at umiyak na lang ng umiyak.

            "Lagi ka na lang umaalis. Hindi na tayo nakumpletong pamilya. Bakit ba tayo nagkaganito? Ano ang naging pagkakamali ko?" Sumisinok-sinok pa si mommy. "Tingin ko ako ang nagkulang bilang ina kaya kayo nagka-ganyan magkapatid. Patawarin 'nyo ako," grabe ang hagulgol ni mommy.

            "Mom, huwag ka namang ganyan. Wala kang pagkukulang sa amin ni kuya Wesley. Napakabuti mong ina sa amin. Kami ang nagkamali. Hindi dahil nagkamali ay ikaw na ang sisisihin. May sarili kaming isip ni kuya. Pinili namin ang daan na hindi mo itinuro. We are trying to build ourselves again. Siguro hindi lang talaga para dito ang buhay ko. Sa dami ng pagkakamali kong nagawa, mas mabuting lumayo ako. But don't worry, mom. Babalik ako. Babalik kami ng apo ninyo and if that time comes, magiging kumpleto na tayong pamilya."

            Patuloy lang sa pag-iyak si mommy. Hinawakan ko ang kamay niya.

            "I'll be okay, mom. You don't need to worry. Nakita 'nyo naman ang offer ng company 'di ba? Everything is paid, free board and lodging, good compensation. And I can help people."

Love will come someday (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu