chapter fifteen

11.1K 301 12
                                    

Nathan's POV

Alam kong naninibago ang sekretarya ko dahil iritable akong dumating sa opisina.  Ipina-cancel ko ang lahat ng mga meetings ko ngayong araw.  Ayokong humarap sa kahit na kaninong tao dahil nabubuwisit ako kay Wynna.  Naiinis ako sa kanya kasi bakit kailangan siya ang gumawa ng paraan para sa problema ng kapatid niya?  She's going to tell me that power and money made me like this?  Bullshit!  Siya, si Victor, sila Tito Amado.  They all made me to be like this.  I hate them.  Lahat ng ginawa nila sa akin. 

Natawa ako sa sarili ko at pabagsak akong nahiga sa couch.  I can't forget her crying face while begging.  'Tang ina, naalala ko ang pagmamakaawa ko noon sa kanya na layuan niya si Victor dahil walang magandang ituturo iyon sa kanya.  Halos gusto kong bumuka ang lupa para kainin ako sa sobrang kahihiyan pero sila ay tuwang-tuwa na pagtawanan ako.  Baligtad na talaga ang mundo and every luck right now was on my side. 

Kaya kong gawin ang lahat para sa kanila.  Nakikiusap ako sa'yo.  I'll do everything, anything.  If you tell me to kill myself right now, I'll do it huwag mo lang ipakulong si kuya.

I still can remember what she said.  She would do anything.  Napaangat ako ng kilay at napangiti.  Bakit nga hindi ko subukan?  I'll do it just for fun just like what she did. 

"And someone is in bad mood," nakangiting bati ni Paula sa akin nang makapasok sa opisina ko.  She gave me a sweet kiss in my lips bago naupo sa katapat kong couch.

"I am thinking of withdrawing the case of Wesley." Sabi ko sa kanya.

            Tumaas ang kilay ni Paula.  "What made you change your mind?"

            "His parents.  Hindi ko matitiis na makitang umiiyak si Tita Julia.  She's been nice to me from day one."

            Napailing si Paula.  "Are you sure it's Tita Julia?  O, baka naman you're considering the option that I gave you." Nangingiti pa siya.

            Natawa din ako.  "Pau, you know it's impossible.  You know how much I hate her."

            "Kaya nga mas lalong dapat mong gawin ang sinasabi kong option.  Alam mo, maniniwala lang akong naka-get over ka na diyan kay Wynna kapag alam kong hindi ka na galit sa kanya.  Kasi may nararamdaman ka pa. Hate and love is just the same."

            "No it's not.  Pau, I don't want her okay?"  Napahinga ako ng malalim.  "Well, she came to the house."

            "See?  What did she do?"

            "She's just begging me to withdraw the case of his brother."  Maiksing sagot ko.  Ayokong i-detalye ang mga pinag-usapan namin ni Wynna.

            "Nate, just fuck her please.  I want our relationship to be normal again.  Nagulo lang naman tayo ng dumating siya." tonong nagmamakaawa na si Paula.

            "I can't do that.  I don't want her." Marahan ko pang hinilot-hilot ang ulo ko.

            "Alright.  You don't want to fuck her? Fine.  Then make her something useful.  Make her a maid in your house.  Make her do your laundry.  Anything na may pakinabang siya kapalit ng pag-urong mo sa kaso ni kuya Wesley.  You know, whatever is happening to her, she deserves it." Napabuga pa ng hangin si Paula.  "And don't worry, I won't be jealous.  Alam ko naman na ako ang mahal mo."  Ngumiti pa siya sa akin.

            Ngumiti din ako at lumapit sa kanya.  I kissed her passionately kasi alam kong gustong-gusto niya ito.

            "Are you going to come to Boracay?"

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now