chapter eight

11.3K 312 18
                                    

Wynna's POV

THREE YEARS LATER

Wala akong imik habang naka-upo sa backseat ng sasakyang dina-drive ni Uncle Felix.  Hindi naman masyadong tinted ang kotse namin kaya nagkasya na lang akong tingnan ang paligid.  Sinundo nila ako sa airport at ngayon ay sinasagasa namin ang traffic ng EDSA pauwi sa bahay namin sa Quezon City.

Wala naman halos ipinagbago ang paligid ng metro mula nang "pagbakasyunin" ako nila mommy sa Cagayan de Oro.  One year akong nag-stay doon tapos ay hindi na muna ako bumalik dito sa Manila.  Nakiusap ako kina mommy kung puwedeng doon muna ako tumira kay Tita Vera sa Camiguin.  Sabi ko, gusto ko munang ipagpatuloy ang pagbabakasyon ko.  Pero ang totoo, ayoko na talagang umuwi sa amin.  Sobrang nahihiya ako sa pamilya ko.  Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila lalo na kay daddy at kay kuya.  Si mommy lang ang madalas dumalaw at mangamusta sa akin noong nasa rehab ako.  Si dad, mga ilang beses.  Pero si kuya, never. 

Ang hirap-hirap sa rehab.  Hindi ko alam kung paano ako naka-recover.  Initially, I hate my family.  I hate everyone na nagsasabing addict ako.  The withdrawal process was really horrible.  I was thinking of ending myself during those times.  I battled physical and emotional stress na hindi ko alam kung matatapos pa.  Until day by day, I am beginning to think clearly.  Siguro kasi nawawala na ang effect ng drugs sa katawan ko.  That's when I realized how I destroyed myself because of loving someone who doesn't deserve to be loved.  I let myself belong to those group of people na mga walang pangarap sa buhay.  I began to hate myself.  Sa tuwing maaalala ko ang mga ginawa ko noon, ang mga kahihiyang ginawa ko sa pamilya ko, hindi ko na talaga kayang humarap pa sa kanila.  I wanted to change and become my old self again.  I self-studied inside the rehab, I became one of the speakers and counselors for young drug dependents.  In just six months, I was clean and I was okay to go out pero ayokong lumabas.  Ayokong umuwi.  I can't forgive myself for bringing embarrassment to my family.  I continue to help those kids na naligaw ng landas dahil sa drugs.  Sabi ko sa sarili ko, that's the least I can do to help those people na nagkamaling katulad ko.

I stayed for another two years in Camiguin.  Doon ako sa resort ni Tita Vera.  Gusto ko doon kasi malayo sa lahat.  Pinutol ko ang lahat ng communications sa lahat ng kakilala ko.  Social media, tv's, radio, lahat iniwasan ko.  Ayokong makabalita ng tungkol sa buhay sa Maynila.  Lumayo ako kina mommy, at least wala na ako na kahihiyan nila sa pamilya.  Alam ko kung gaano ang kahihiyan na hinarap nila mommy and daddy sa mga kamag-anak namin.  Gusto ko din doon sa Camiguin kasi malayo din ako sa mga masasamang barkadang nakilala ko noon. 

Malayo ako kay Victor.

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko nang maalala ko siya.  Ayoko na siyang makita o maalala man lang.  He was the reminder of the broken life that I had.  Nagsisisi ako na minahal ko siya.  Sinisisi ko ang sarili ko kasi naging marupok ako sa katulad niya.  I've learned my lesson the hard way and I don't know kung hanggang kailan bago ko mapatawad ang sarili ko sa mga nagawa ko.

"Masaya ka ba doon sa resort ng Tita Vera mo?"

Tumingin ako kay mommy na nasa passenger front seat.  Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.  Hindi ko maintindihan pero hiyang-hiya pa rin ako kay mommy.  Hindi ko nga makuhang yumakap o humalik sa kanya nang sunduin niya ako sa airport kanina.

"Maganda po doon.  Maraming tao and malakas ang resort ni tita." Maiksing sagot ko.  Itinuon ko uli ang pansin ko sa naglalakihang billboards na nakakalat sa EDSA.

Ngumiti sa akin si mommy.  Halata ko naman na masaya siyang makita ako pero hindi pa rin ako kumportable.

"Sabagay mukhang magaling mag-alaga ang Tita Vera mo.  Ang ganda-ganda ng katawan mo.  Ang ganda-ganda mo."

Love will come someday (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz