chapter sixteen

10.8K 305 14
                                    

Wynna's POV

Walang salita si Nathan nang sunduin niya ako sa kanto ng subdivision namin at wala din siyang salita nang ibinaba niya ako sa tapat ng bahay niya. Nag-doorbell tapos ay muling sumakay sa sasakyan niya at umalis din doon. Naiwan akong hindi alam kung anong gagawin ko sa harap ng bahay niya.

Maya-maya lang ay isang may-edad na babae ang nagbukas ng gate sa akin at nakangiti siya nang salubungin ako.

"Ikaw siguro si Wynna. Ikaw ba ang magiging kapalit ko dito?" nakangiting tanong ng matanda sa akin at kinuha ang dala kong travelling bag.

"Ako nga ho si Wynna. Kayo ho ba ang helper ni Nathan? Nabanggit kasi niyang magbabakasyon daw kayo," sagot ko sa kanya habang nakasunod papasok sa loob ng bahay. Nagpapalinga-linga ako kasi kung gaano kaganda ang labas ng bahay ni Nathan, ganoon din kaganda ang loob noon. Halatang may taste ang kung sino man na nakatira sa loob. Magaganda at mamahalin ang mga appliances. De-klase ang mga muwebles.

"Ewan ko ba sa batang iyon. Nasabi ko naman na hindi ko kailangang magbakasyon. Aba, pinilit-pilit akong pagbakasyunin," naiiling na sagot ng matanda.

Napa-ah lang ako. So this is what I am. I will be his house helper. This is what I have to pay for his withdrawal of my brother's case.

"Kumain ka na ba?" tanong pa niya. Patuloy lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa itaas at buksan niya ang isang kuwarto tapos ay ipinasok doon ang gamit ko. Kumunot ang noo ko. This is not a maid's room. Tingin ko ay kuwarto ito para sa mga bisita.

"Manang, hindi ba dapat sa maid's quarter ako?" paniniguro ko.

Parang nagtatakang tumingin sa akin ang matanda.

"Maid's quarter? Sabi ni Nathan dito ka daw sa isang kuwarto sa taas mag-stay. Saka hindi naman kasi ako stay-in dito. Papasok ako ng alas-otso tapos, uuwi na ako ng ala-singko pagkatapos kong magluto ng hapunan. Basta maiayos ko lang ang mga gamit niya pero kadalasan naman gabi na 'yan umuuwi at madalas hindi na kumakain. Tulog lang talaga siya dito," sabi pa niya. Binuksan niya ang isang tokador at ipinasok doon ang gamit ko. "Huwag kang mag-alala at hindi ka naman pagod dito. Bantay lang talaga sa bahay ang papel ko dito kasi once a week may dumarating na tagalinis ng bahay niya. May nagme-maintain ng paglilinis dito."

Bakit si Manang puwedeng stay-out? Bakit ako kailangan kong dito tumira? Napabuga ako ng hangin sa kawalan ng sagot sa tanong na iyon sa isip ko.

"Matagal ka na dito, manang?" tanong ko sa matanda. Ngayon naman ay nakasunod ako sa kanya papunta sa kusina.

"Matagal na. Tatlong taon na. Magmula pa nang mabili ni Nathan ang bahay na ito. Sa labas lang naman kasi ako ng village nakatira kaya pumayag na rin ako sa set up na ganito. Saka isa pa, masyadong generous 'yang batang 'yan. Lahat ng kailangan ko suportado niya." Nakita ko ang paglatay ng lungkot sa mukha ng matanda. "Pakiramdam ko tuloy ayaw na ni Nathan sa serbisyo ko at kailangan na niyang kumuha ng mas bata sa akin."

"Huwag 'nyo hong isipin 'yon. Hindi ho ako magtatagal dito. Baka gusto lang talaga ho ni Nathan na makapahinga kayo," pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Sabagay. Makakampante pa rin naman ako na may bago siyang kasama dito sa bahay. Teka nga. Kilala mo ba ang girlfriend ni Nathan?" nagtitimpla na ng kape ngayon ang matanda.

"H – hindi ho," pagsisinungaling ko.

Tiningnan niya ako ng makahulugan. "Uunahan na kita. Selosa iyon. Kung ako sa iyo, huwag kang masyadong lalapit kay Nathan kung ayaw mong awayin ka ng awayin ng babaeng iyon. Galit iyon sa magaganda at sigurado ako na kapag nakita ka ni Paula, tiyak na aawayin ka."

Love will come someday (COMPLETE)Where stories live. Discover now