***

After that talked, a week ago, I immediately fixed all the papers I needed for the summer classes I'll take in the next four months.

Medyo mabigat nga 'yong sched na binigay sa akin dahil kailangan ko talagang makahabol. I even have classes during weekends. Mabuti na lang, mabait si Ma'am Joy at napakiusapan kong ma-i-adjust 'yong oras ng pasok ko rito sa trabaho. Next, next week na ang start ng first day of summer class ko kaya doble talaga ang paghahanda ko. Ilang buwan ding natengga 'tong utak ko sa pag-aaral, 'no.

"What's your full sched, wala ka bang pahinga?" tanong ni Karen.

Katatapos lang ng shift ko sa shop at sakto namang gustong makipagkita nitong si Karen para raw makapag-catch up kaming dalawa. Kaya nandito kami ngayon sa malapit na pasta house.

"MWF, 8 AM - 3 PM 'yong klase ko tapos 5 PM to 10 PM naman 'yong pasok ko sa shop," I replied. "For TTHS naman, 7 AM to 12 PM lang; and from 2 PM to 7 PM sa shop. And during Sundays, day off ko sa shop tapos may isa akong klase from 12 PM to 3 PM."

"That was hectic," she commented. "Gusto mo bang ipa-adjust 'yong shift mo sa shop? I can talk to Dad para makausap 'yong manager mo."

I shook my head. "Ano ka ba, 'wag na. Mukhang kakayanin ko naman 'yon. Saka four to five hours na nga lang ang pasok ko sa shop, e," I said. "Isa pa, I really need that job to support all my needs."

"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin 'yong inaalok ni Dad na scholarship? It'll really help you, Chie."

"Karen, you've done too much to me. Kayo nila Maris, Paolo, at Julius. Marami na kayong naitulong sa akin kaya hayaan niyo namang ako mismo ang tumulong sa sarili ko."

Nang ngumiti siya dahil sa sinabi ko, napangiti na rin ako.

"I'm very proud of you, Chie," she uttered. "Ilang buwan lang tayong hindi nagkita at nagkasama, I can clearly see that you've really grown as a person. Chie 2.0 na nga 'tong kaharap ko ngayon."

Sabay kaming natawa sa huli niyang sinabi. "Well, this is how heartbreaks made me, I guess."

"Okay ka lang, Chie?"

Hindi ko namalayan na bigla pala akong natahimik pagkatapos kong sabihin 'yon. Kahit ano talagang gawin ko, sumasagi at sumasagi talaga sa aking isipan 'yong ginawa niya sa akin . . . pati siya mismo; malaya pa rin niyang ginugulo ang buong sistema ko.

"Kumusta na pala kayo ni Julius?" pag-iiba ko ng usapan. "Hindi pa rin ba kayo nagpapansinan?"

She suddenly smiled sadly then shook her head afterwards. "Nasa moving on stage na ko."

"Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanya 'yang nararamdaman mo?"

"Para saan pa, Chie? E, kahit sabihin ko naman na gusto ko siya, hindi niya naman ako magugustuhan pabalik. Wala pa rin namang magbabago — ay, meron pala," aniya. "'Yong friendship na mayroon kami magiging at risk."

"Tamang-tama pala 'yong tandem natin ngayon, 'no?" natatawang sabi ko. "We're both brokenhearted at the moment."

"Akala ko ba moved on ka na?" she asked.

"Moving on, Karen. 'Wag mo nga akong pangunahan," mabilis na tugon ko sabay inom ng tubig.

Natawa naman siya sa sinabi ko sabay banat ng, "E, kung tayo na lang kaya?" na naging dahilan upang maibuga ko ang iniinom kong tubig.

"What the fuck, Karen?!" I gasped.

"Diring-diri, Chie? Joke lang naman 'yon!" she retorted. "Hindi rin kita type, 'no!"

"Then you're not a good joker," I uttered and, unknowingly, we both laughed.

***

Almost seven o'clock in the evening when I got home. Mag-i-isang buwan na kong nakikitira rito sa condo unit ni Eliseo pero hindi pa rin ako masanay-sanay. Halos ingat pa rin ang mga galaw ko.

"Ano ba 'yan, nagugutom na naman ako," pagkausap ko sa sarili. "Kakakain ko lang, e."

Dumiretso ako sa may kusina para tingnan kung ano ang pwedeng lutuin nang mag-vibrate ang aking cellphone sa bulsa.

I creased my forehead when I saw Eliseo's name in the screen. It's been awhile since the last time he texted me. Ano na naman kayang problema ng lalaking 'to?

From: Eliseo
Can I come tonight?

I read his text multiple times because I didn't get it at all. "What does he mean? Oh wait, baka wrong send."

To: Eliseo
Wrong send?

Wala pang isang minuto, nakakuha na agad ako ng reply sa kanya.

Nah. Is this Chie's number, right?

Oh, bakit ka naman pupunta dito?

I have something for you.

Ha?

Nagluto kasi si Mom ngayon ng kanyang specialty for our dinner and I remembered you. Sinabi niya rin na dalhan kita para matikman mo 'yong luto niya.

Wait . . . did I read and understand it right?!

Bakit kilala ako ng mom mo?!

Ah, will explain to you later. By the way, I'll be there in 10 minutes. See you!

Teka . . . Teka . . . Agad-agad?!

Bakit parang feeling close naman 'tong si Eliseo out of the sudden?

Roommate RomanceWhere stories live. Discover now