BEKS 27: Lihim na Pagtingin

Start from the beginning
                                    

Naputol ang kwentuhan namin ni mama ng bumaba na si Kailee. Agad akong nagshower at nagpalit ng damit upang hindi ako magkasakit kasi for sure magagalit sa akin ang prinsesa ko. Siyempre si Kailee yun.

Sakto naman pagkatapos naming kumain ay tumila narin ang ulan kaya gumayak na ako upang makapagpahinga na din sa bahay. Bago ako umalis ay ginawaran ko muna ng halik sa noo si Kailee.

Alam kong naguguluhan na si Kailee bakit ko ginagawa sa kaniya yun. Gusto ko pag nagtapat ako sa kaniya ay nasa tamang lugar, oras at panahon. Ayoko munang madaliin dahil gusto kong kilalang-kilala muna namin ang isa't isa bago maging kami.

Natatawa ako pag naaalala ko yung time na ninakawan ko siya ng halik. Yung halik na yun din ang nagsabi sakin na talagang tinamaan na ako sa kaniya. Bonus pa na ako ang first kiss niya kaya gigil na gigil siya sa akin ng time na yun.

Pagkauwi ko ay naabutan kong kumakain sila Kuya Yuno at Ate Andrea. Di ko papala nasabi sa inyo na engage na sila pero di pa daw nila balak magpakasal kasi nag-iipon pa sila para sa future nila.

"Evo, andyan ka na pala. Sabayan mo na kami dito." pag-aaya ni Ate Andeng. "Salamat pero busog na'ko galing kasi ako kila Kailee". 

"Galing naman pala sa jowa niya." pangaasar ni kuya sakin. Natawa lang ako sa sinabi niya. "Ni hindi ko pa nga nililigawan eh jowa agad?" sagot ko.

"Eh ambagal mo naman pala tol. Dapat hindi ka na nagsasayang ng oras baka mamaya may iba makasulot sa mahal mo, ikaw din." pambubuska nito.

"Evo, gusto kong ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo pababayaan ang anak namin. Huwag mo siyang hahayaang makaramdam ng lungkot o mafeel niya na walang nagmamahal sa kaniya. Ikaw ang lagi niyang kasama kaya malaki ang tiwala ko sa'yo. Hindi kita pipigilang ligawan ang anak ko, basta tandaan mo na hindi basta-basta ang pagpasok sa isang relasyon. Marami pang darating na pagsubok sa inyong dalawa kaya dapat kilalang-kilala niyo na ang isa't isa para hindi kayo magkalabuang dalawa. "

Naalala ko ulit yung sinabi ng papa niya sakin noong time na hinatid niya kami sa school. Parang gusto ko pang mas makausap pa ng masinsinan ang magulang ni Kailee. Ang lalim nila, alam kong pinuno nila si Kailee ng pagmamahal.

"Ay natulala na siya. Talaga ng tinamaan ka nga". Bumalik ako sa ulirat sa sinabi ni kuya. "Pasensya na may naalala lang ako".

"Alam mo 'tol. Siguraduhin mong seryoso sa ka talaga sa kaniya dahil iba ang mga third gender compare sa mga straight kasi mas madali silang masaktan. May kaibigan akong bakla na ayaw nang magtiwala sa ibang tao dahil halos lahat ng minahal niya ay niloko lang siya. Ayokong mangyari sa inyo yun Evo. Boto kami ni ate Andeng mo sa desisyon basta tandaan mo na malaking responsibilidad ang pagpasok sa isang relasyon lalong lalo na ang pagpapanatili ng init ng pagmamahalan ninyo". Saad nito sabay tapik sa aking likuran. Ngumiti naman ako bilang tugon. Umakyat nadin ako sa kwarto upang makapagpahinga nadin dahil medyo napagod din ako.

Gabi na nang magising ako dahil madilim na sa labas. May punto ba sa buhay niyo na natulog kayo ng hapon at paggising niyo'y akala niyo ay madaling araw na? Siguro dala narin ito ng sobrang pagod.

Naisip kong i-chat si Kailee dahil namimiss ko siya agad. Ewan ko ba mga pre pero talagang tinamaan na ako sa kaniya.

/Goodevening Kailee, kagigising ko lang hehe. Ikaw?/ sakto namang online ito kaya di ako maghihintay ng matagal.

/Same lang din. Kamusta pakiramdam mo?/ Mukhang nag-aalala siya sa akin ah. Napakapa naman ako sa leeg at noo ko. Shit! Medyo mainit ako, siguro may sinat ako.

/Ahmm okay naman/ reply ko dito. Kumuha ako ng thermometer at kinuha ang temperatura ko. 38.5 ang nakuha ko. Kaya pala ambigat ng pakiramdam ko nung pagbangon ko, hindi ko agad napansin dahil nasa isip ko padin si Kailee.

/Evo? Andyan ka pa ba?/ Napabalikwas ako dahil tinadtad niya pala ako ng chat.

/Oo, andito pa'ko./ sagot ko.

/Hmm. Mukhang di ka okay? Uminom ka ng paracetamol at humigop ka ng mainit na sabaw./ Hays, ang galing naman niya, halatang alam na niya agad na hindi ako okay.

/Wala lang 'to noh! Bukas wala na 'to/ Pagyayabang ko sa kaniya.

/Lakas mo naman pala. Magpahinga ka pa, wag puro phone. Dali na sumunod na!/ pagmamando nito sa'kin.

/Osige na nga boss. Magpapahinga na po./ reply ko dito. Pinatay ko nadin ang phone ko at inayos ang sarili ko para makapagpahinga.

Paniguradong masarap ang tulog ko dahil sa'yo Kailee...

END OF CHAPTER 27

______________________________________
Author's note:

Ano na kaya ang susunod na hakbang ni Evo upang makuha ng buo ang puso ni Kailee o maging dahilan pa ito upang lumayo mula sa kaniya?

Hit like read and vote.

Pasensya na mga readers dahil medyo busy si author ngayon. Tuwing weekends or vacant day ko nalang naisisingit magsulat. 😭

Ang Torpeng BekiWhere stories live. Discover now