Kalawakan

228 7 1
                                    

Pagtingala natin nang sabay sa araw
Kamay ko naman ay iyong hinawakan
Ngunit sa matinding liwanag na tanaw
Una kang bumitiw sa ating samahan

Senyales ng paghihiwalay ng palad
Sarili ay gulo kung saan papadpad
Pagkain ng dagat sa saksing pang iwan
Pakiusap hangin ako ay tulungan

Pagharap ko sa minamahal kong buwan
Nakita ko ang paglamlam ng bilugan
Dating bituin dahil sa kasiyahan
Ulap na ang ginamit para pagtakpan

Ito na ang oras, ang ulap ay bumigay
Ulan nagpakita na ng tuluyan
Puso ko ay nagsimulang maglupaypay
Lungkot sa nakita, aamin nasaktan

Sisikat na muli ang isang liwanag
Masisilaw sa mas malinaw na lapad
Ngunit dahil lang sa kasamaang palad
Koneksyon sa buwan, tuluyang nabuwag

---------

Hello guysss dahil buwan ng wika napagawa ako ng maiksing napakalalim na di malayang tula... hehehe sana maappreciate niyo...thank you po pala sa mga nagbabasa pa rin ng mga gawa ko kahit matagal na akong hindi nag uupdate...I love you guyssss😘



Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now