Chat

504 25 2
                                    

"Chat"

Inadd kita sa facebook para makilala
Nag-aabang kung i-aaccept o gagawing follower niya
Nang makatanggap ng notification ako ay nagtaka
Inaccept na pala ang friend request mo kaya ngiti mo umabot na hanggang mata

Sinimulan ko sa pang-iistalk kung may jowa ka
Nang malaman kong wala
Isang idea ang aking ginawa
Para lang mapalapit sa kanya

Sinimulan kong mag-hi
Habang puso kinakabahan
Pero natupad din ang aking pakay
Dahil tumugon siya sa akin ng simpleng-hi

Sumagot naman sya ng hello.
Syempre ang mukha ko ay biglang nag-glow
Na parang ulap sa langit
Na nilagyan ng bahag hari

Dumaan ang ilang araw, nagtagal ang ating pagchachat
Yung tipong takip ng sinaing ko hindi ko na maibuklat
Yung tipong mga assignment ko natutulog nalang sa aking bag
At yung mga lakad ng barkada ay akin nng pinalalagpas

Palaging tuon ang oras sa kanya
At nahulog ang puso ng isa't isa
Yung tipong 'My Day' mo na sya
At ang post mo pinupusuan nya na

Ngunit paglipas ng mga araw
Ang mga puso'y tumamlay
Parang nalantang gulay
Hindi na nadidiligan

Umabot sa puntong "you can't reply to this conversation" na lang ang mababasa
Tatanungin mo tuloy ang sarili mo
Blinock niya ba ako? O nagdeactivate lang talaga sya?

Pero wala
Wala na
Yung tipong pagsearch mo ng pangalan nya Walang lumalabas
Mga iba't ibang mukha na kung sinu-sino ang lumalabas

Pero kailangan mong tanggapin
Hindi lahat nagtatagal
Dapat mong harapin
Na ang iba nagsisumula sa "Hi!" Pero nagtatapos din sa "KBye"

---------
Hello guyzzz sana magustuhan niyo yung gawa ko

And guys pwede request magcomment kayo kung ano ang reaction niyo

Okay lang kahit panget basta totoo galing sa loob

Kasi mas importante ang panget na totoo kaysa sa maganda pero nagbabalat kayo

P.S Ang tulang to ay ako lamang ang may likha

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon