Hindi ka niya gusto

398 17 0
                                    

Hello guys...im back...hahahahah

---------

Hindi ka niya gusto

Gumising ka na
Gumising ka na sa katotohanang mahal ka niya
Dahil alam mo na sa simula
Naglolokohan lang naman kayong dalawa

Ikaw lang kasi ang umiintindi sa kanya
Ikaw lang kasi ang nagbibigay oras sa kanya
Ikaw lang kasi ang tapat at totoo sa kanya
At ikaw lang kasi ang nagmamahal sa kanya

Habang siyang mahal mo
Yung taong minamahal mo ng husto
At pinagkakatangahan mo
May ibang gusto

Idilat mo kasi ang mata mo
Buksan mo ang tenga mo
Sundin mo ang naaamoy mong panloloko
At damhin mo ang mga sinasabi ko

Mahal ka nga niya
Pero may mas mahal siya
Mahalaga ka
Pero may mas mahalaga pa kaysa sayo

Magkasama kayong dalawa
Pero iba ang nasa isipan niya
At nagbigay kayo ng pangako sa isat isa
Pero may pinangakuan pa pala siyang iba

Gumising ka na
Andito naman ako
Minamahal ka nang patago
At nananatiling tapat sayo

Mahalin mo lang ako
Gagawin kitang prinsesa ng buhay ko
Habang ako
Ako ang magiging prinsipe mo

Ganyan kasi ako sa taong mahal ko
Hindi ako magloloko
Kasi ang tunay na lalaki
Hindi magpapaiyak ng babae

Kaya gumising ka na
Parang awa mo na
Ako kasi ang mas nasasaktan
Pagnakikita kitang nagpapakatanga

Mas doble kasi ang nararamdaman kong sakit
Kapag nakikita kitang nasasaktan dahil sa kanya
Kaya magong masaya ka
Para ang makita ang ngiti sa aking mata

Kaya mahal gumising ka na
Niloloko ka lang ng mahal mo
Kasi sinasabi ko sayo
Hindi ka niya gusto

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...







































Spoken Word PoetryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz