Requested by @genevieve_jungkook14
Sana magustuhan mo ang ginawa kong tula...
---------
Wala Na Ang Salitang Tayo
Tayo o kayo
Mamili ka kung sino ang ipaglalaban mo
Tayo na binitiwan natin ng pangako
O kayo na dahilan ng unting nagpabagsak ng tayoMamili ka na
Para matapos na
O kaya maputol na
Ang lubid na sumasakal sakin at sumisiraDahil sa totoo lang
Sa bawat pagngiti mo
Na alam ko na hindi ako ang dahilan
Mas lalo akong nahihirapanKasi ang sakit
Walang katumbas na sakit
Na sa aking pagpikit
Nakikita ko na ang pagbitaw mo sa aking pagkapitMahal magsalita ka naman
Alam kong nagpapakatanga ako sayo
Pero sana itigil mo na ang kabaliwan ko sayo
Sa oras na sabihin mo ang katagang ninanais koMagsalita ka naman
Para kahit papaano maging masaya akoMakahinga ako dahil nalulunod na ako
Sa kasinungalingang binibigay moSige sabihin mo sa harapan ko
Na di mo na ako mahal
Tatanggapin ko kahit masabihan man ako ng hangalMapasaya ko lang ang aking mahal
Kasi ayaw kong mahirapan ka
Mahirapan man ako
Tatanggapin ko
Para makita ko lang sa mata mo ang sayaSige na sabihin mo na ang kataga
Para di na ako masabihan ng tanga
Nang lipunang mapanghusga
Sa kahit anong gawin mong kakaibaKaya mahal
Isang tanong
Na itatanong ko sayo
Tayo o kayoMamili ka na para maging masaya na tayong dalawa
At sa oras na yon nakuha ko na ang ninanais ko
Mas pinili mo ang kayo kaysa sa tayo
Na pinaglaban natin kahit papaanoKaya mahal umiyak man ako ng dugo
Mamatay man ang puso ko sa pagtalikod ko
Huwag mo kong tatawagin o yayakapin
Dahil "Wala Na Ang Salitang Tayo"
---------
Hello guys sana nagustuhan niyo
Dont forget to vote if you like
And comment for your thoughts
Labya guysss...
![](https://img.wattpad.com/cover/128430879-288-k367438.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryAng aking mga tulang mabubuo ay tatagos sa inyong mga puso... -NotPerfect09