Minsan

334 18 3
                                    

Minsan

Minsan ba naitatanong mo sa sarili mo?
Kung gaano mo kadeserve ang nagmamahal sayo
Kung gaano mo binabalewala ang nagmamahal sayo
At kung gaano mo nasasaktan ang nagmamahal sayo

Minsan ba naiisip mo kung gaano mo siya nasasaktan
Sa tuwing mag aaway kayo
Naisip mo ba na may mga taong nag aasam
Na sana pag mamay ari nila  siya

Pero ikaw
Ikaw na nasa tabi mo na
At hawak mo na
Pero binalewala mo pa

Minsan ba naisip mo bang ikumpara mo siya sa iba
Sa mga taong higit sa kanya
Sa mga taong wala siyang laban
At sa mga taong talo siya

Pero ni minsan naisip mo ba
Na may mas maraming mas hihigit sayo
Pero pinili kaniya
Pinili niya yung taong mahal niya kahit nasasaktan siya

Pero tandaan mo
Hindi lang ikaw ang tao sa mundo
Dahil merong libo libong tao
Pero ikaw lang ang pinili ng kanyang puso

Madalas mong balewalain ang mga nararamdaman niya
Madalas mong isipin wala siyang kwenta
At madalas mong iwan siya sa harap ng madla
Dahil na iisip mo na nagkamali ka sa pagpili sa kanya

Pero isipin mo na hindi lang ikaw ang nagmamahal sa kanya
May mga taong nandyan
Nakaantabay na bitiwan mo siya
Para makuha siya

Kaya huwag mong hintayin na dumating ang oras
Na iiwan ka niya dahil nagsawa siyang magpahalaga
Yung taong kasiyahan niya
Pero nagdudulot ng lungkot sa kanya

Dahil sa huli
Kapag nagsawa na siyang intindihan ka
Masakit makita
Na pinahahalagahan na siya nang iba
Sa paraang hindi mo kaya

---------

Hello guysss...

And Im back....

Sana magustuhan niyo po itong gawa kong tula....

At kung may gusto kayong sabihin just comment it below....

P.S lahat ng tulang nakalagay dito ay ako lamang ang gumawa

Spoken Word PoetryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt