Wala Na Finish Na

526 11 0
                                    

Wala Na Finish Na


Ang pagkakarinig ko sa sinabi mo
Kinabahan...natakot
Para saan nga ba ang sinabi mo
Para sa akin o sa laro mo

Nakaharap kasi ang mata mo
Sa cellphone mo
Pero ang pinatatamaan mo nito
Parang ako

Iniisip ko lang ba ito
O nagigising na ako
Sa mga panloloko
Na ginagawa mo

Kasi isa o dalawang taon na tayong nagsama
At ito ako sayo ay nagpapakatanga
Ako lang nagmamahal sa pagitan nating dalawa
At ginagawa ang lahat para lang mapanatili tayong magkasama

"Okay lang yan."
Aking tinuran
Habang hinihimas ang iyong likuran
Para masabing hindi ka talunan

Nagkasalubong ang ating mga mata
Binaba ang tingin patungong bibig
Ang lumabas ang katagang
"Wala Na Finish Na"

Natulos sa kinauupuan
Parang kandilang
Sinisindihan
At patuloy pa rin pinaiinitan

Pinagpapawisan na malagkit
Kasabay ang mga pumapasok saaking isip
Tapos na ba taaga
Kasi kung ako tatanungin mo ayoko pa

Tapos na yung laro mo
Diba ako yung laro mo?
Ay hindi laro niyo pala
Kasi simula't sapul alam kong pinaglalaruan niyo lang ako

Na ako yung tangang nagpapataya
Habang ikaw yung tumataya
Habang ang tropa mong pumupusta 
Na matatapos mo ang kanilang maipapagawa

Siguro nga
Wala na finish na
Kasi tinapos mo na nga ang kanilang pinapagawa
Sinaktan mo na ako nang sobra

Kaya mahal sige na pinapalaya na kita
Nang isambit mo ang "Wala na Finish Na"
Na tinapos mo na ang paglalaro sa akin ng sobra
Dahil nanalo kana


---------


Hello sana nag enjoy kayo magbasa nang tulang ginawa ko

And dont forget to vote if you enjoy

And comment for your thought

Sana nagustuhan niyo 











Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now