Akala

2.4K 58 9
                                    

Akala

Huwag kang magaakala ng basta basta kung ayaw mo masaktan ng sobra sobra

Masakit ang umasa
Lalo na kung ginamit mo na naman ang salitang akala
Yung tipong makakapagsabi ka na lang nang
Akala ko na wala nang ikaw at siya
Akala ko tapos na ang kwento niyong dalawa
Akala ko hindi na kayo magkakabalikan pa Akala ko ako na talaga
At Akala ko tayo na
Akala ko ang salitang tayo ay bubuoin na nating dalawa
Pero pinaglaruan na naman ako ng tadhana
Bakit pa ako gumamit ng salitang akala
Kung alam ko naman ay kaakibat nito ay masama
Tama nga siguro sila
Huwag kang gagamit ng akala
Kung ayaw mong may mamatay bigla
Pero huli na
Patay na
Patay na yung puso kong tumitibok para lamang sa kanya
Hindi na siya nahinga
Nahinga para masambit ang katagang "kaya mo yan" kung nahihirapan ka na
Hindi na rin siya sumisigaw ng akoy masaya
Akoy masaya dahil kayakap ka
At higit sa lahat hindi mo na siya maririnig pa
Para turuan ka para gawin ang tama
Pero tama ba ang iyong nagawa
Yung ipaparamdam mo sa akin na sayo ako at akin ka
Yung aakbayan mo ko kapag tayo'y magkasama
Yung ipaparamdam mo ang pag aaruga sa oras na tinadhana
Yung sasabihin mong tayo nalang kaya?
Pero wala akong mabigkas na salita
Dahil ako'y nakatulala sa iyong mata
Pinipigilan huminga dahil isang dangkal ang pagitan nating dalawa
Hindi makapagsalita dahil nangangamba
Pero lahat na lamang ito ay nawala
Ng sabihin mong "Biro lang bes ano ba?"
Hindi ko alam kung saan ako masasaktan sa iyong winika
Yung sabihin mong biro lang ang iyong winika
O yung tinawag mo akong bes na ibig sabihin ay hanggang doon lang tayong dalawa
Hindi ko na kaya
Pagod na ako sa aking mga akala
Akala na hindi nagiging tama
"Bakit nagbabagsakan ang iyong luha wala naman akong nagawang masama?"
Napatingin na lamang ako sa iyong mukha
Hindi iniintindi ang aking luha
At bigla na lamang nasabi ang katagang sisira ng tuluyan sa ating dalawa
"Ano bang meron sa ating dalawa?"
Pero tinitigan mo lang ang aking mga mata
At sabay bitaw nang masakit na kataga
"Friends tayo ano pa ba"
Para akong niloblob sa malamig na lawa
Hindi alam aking itutugon sa iyong winika
Magkaibigan lang pala kaming dalawa
Tama nga siguro ang sabi ng matatanda
Huwag kang mag aakala basta basta kung ayaw mo masaktan ng sobra sobra
Kaya sabi ko sa sarili ko tama na
Tinalikoran nalang kita
Sabay sigaw ng katagang "Oo nga pala kaibigan lang pala tayong dalawa"
Sabay bulong "Bakit pa kasi ako umasa at nag akala"
Kaya kailangan ko muna lumisan
Dahil yung taong kinilala mong hanggang kaibigan lang ay wala na
Pero huwag kang mag alala
Babalik ako bilang isang tao na ang tingin sayo ay hanggang kaibigan lang at wala ng hihigit pa sa iyong inaakala

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gysto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...
















Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now