Ayos Na Ako

483 18 9
                                    


Ayos na ako

Sisimulan ko ang tulang ito noong iniwan mo ako
Noong pinaasa mo lang ako
Noong sinabi mo na tayo na ang tatayo sa harap ng simbahang katoliko
Magkaharap at walang makakapigil na kahit sino

Pinanghawakan ang binitawan
Pero bigla mo nalang pinakawalan
Ang pangako na tanging inaasam
Na natatanging paraan para madama ang kasiyahan

Pero nananakit ang damdamin ko
Para ako sinaksak ng kutsilyo
Dahil sa namamatay na ang aking puso
Hindi na rin malaman kung ilang saksak ang natamo

Para na rin akong binato ng bato
Na nagdulot sa akin ng di pagtayo
Hindi alam kung saan na kakapit ang puso ko
Para mapasaya ang aking pagkatao

Pero iniisip ko ang aking nagawa
Kung nagkamali ako sa "mali" at "tama"
O nagkulang ang pagmamahal na pinadama
Dahil sa pag iwan mo nalang bigla

Iniwan mo nalang bigla
Para magmukhang tanga sa harap ng madla
Nagmumukhang kawawa sa iyong pamilya
Lalong lalo sa aking mga malalapit na kasama

Gusto kita sabihan ng masasakit na salita
Kasing sakit iyong pinadama
Para kahit konti ay mawala
Mawala ang sakit na iyong ginawa

Gusto kita saktan
Para sa puso mo'y ipadama
Ang aking nadama
Noong hinayaan mo lang ako saktan ng iyong pamilya

At gusto kita saksakin
Saksak na hindi ko na bibilangin
Dahil kahit ano ang gawin kong pagbilang sa hangin
Hindi pa din mawawala ang aking damdamin

Pero masyado kitang mahal para iyon ay magawa
Dahil kahit sinasaktan mo ako ng sobra
Sinasaksak ang puso ko ng walang awa
Pero kahit ganoon ang iyong ginawa
Mahal parin kita

Ngunit sabi ng iba
Na ang pagmamahal ay hindi lang laging masaya
Meron din lungkot at pangamba
At ang pinakamabigat sa lahat
Ay ang mahal mo ay iyong ipaparaya

Kaya papalayain na kita
Hahayaan ka nang maghanap ng iba
Kahit nakakalungkot itigil ang pagsabi ng "Mahal Kita"
Papalayain kita para sa iyong ikakasaya

Kaya mahal kung binabasa mo man ito
Asahan mo sa susunod nating pagtatagpo
Maririnig mo na ang siyam na letrang iyong inaasam
Mahal, "Ayos na ako"

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...




























Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon