Pambura

545 20 2
                                    

Pambura

Noong bata pa ako
Sabi ng mga magulang ko
Madali lang sumulat ng mga letra
Dahil pagnagkamali ka madali lang ito mabura

Kung nagsulat ka ng maling letra
Katulad nalang ng letrang A
Pagbinura mo ito gamit ng pambura
Mawawala nalang ito kasing bilis ng ABAKADA

At kung nagkamali ka
Sa pagsulat ng salita
O sa paggawa ng talata
Kaya ko ito burahin ng walang nakakahalata

Pero iba na pala ngayon
Iba na ang panahon
Dahil sa paglipas ng taon
Naintindihan ko na ang rason

Sa paggamit ng pambura
Ay hindi basta basta
Kasi nung nakilala kita
At iniwan mo ako mag isa

Nalaman ko na hindi pala madali magbura
Magbura ng ala ala
Magbura ng mga nakasanayan na
At magbura ng taong minahal mo nang sobra

Kasi napagtanto nang isip at puso ko
Na sa mga salita at letra lang madali magbura
Hindi sa pag ibig na pinahihirapan ka ng sobra
At pinagmukha ka lang tanga

Sinanay mo kasi ako
Sinanay ako ng mahal ko
Na palagi kaming kasama
At pinahahalagahan ako ng sobra

Pero nang may gumulo sa ating dalawa
Nahirapan ako...nahirapan tayo
Sa pag ayos ng mga salita
Sa pagtutugma at sa ayos ng storya

Naghanap ka agad ng iba
Ibang panulat at pambura
Para hindi ka na mahirapan pa
Habang ako lumuluha ng mag isa

Kaya mahal ang gusto ko lang sabihin sayo
Sana mahanap mo na ng pambura mo
Na magtatatama sa mga pagkakamali mo
Kung dumating man ang araw na mawala na ako

---------

Hello guys i hope you like it...

Don't forget to like my poetry...

And kung gusto niyo magpagawa ng mga tula just comment below

P.S lahat ng tula ko ay ako mismo ang may likha

P.S sorry kung natagalan hahahahah you know busyhan na ulet











Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now