Dating Tayo

709 22 1
                                    

Ang tulang ito ay para kay
PrincessHazelBernalL sana magustuhan niyo po ulit ang ginawa kong tula...

---------

Dating tayo

Hanggang kailan nga ba?
Hanggang kailan nga ba ako aasa pa
Aasa na maibabalik pa
Ang dating tayo

Pero ako ba?
Ako ba talaga ang lumayo
O ikaw na mismo
Ikaw na mismo ang nagsawa

Kasi sa pagkakatanda ko
Ikaw ang unang nagsabing tama na
Tama na at tigil na
Kasi napapagod ka na

Napapagod ka na sa paulit ulit kong pagkakamali
Pagkakamali na lagi ko nalang ginagawa
Kasi kahit magpaliwanag ako sayo
Binabalewala mo lang lahat ito

Gusto ko lang naman ibalik ang dating tayo
Dating tayo na puro ngiti at saya
Dating tayo na walang iniindang problema
At dating tayo na nagsasabihan ng "mahal kita" sa isa't isa

Pero sa bawat sabit ko nito sayo
Sinasabi mo sa aking tapos na tayo
Wala nang tayo na pwede ayusin pa
At wala nang tayo na pwede pahalagahan pa

Totoong walang tayo
Walang tayo pero bakit nasasaktan parin ako
Walang tayo pero bakit umiiyak pa ako sayo
At walang tayo pero ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko

Oo alam ko
Sa simula palang talo na ako
Kaya ba sa dulo
Ako lang ang nasaktan at ang puso ko

Sabi mo napapagod ka na
Pero ako hindi pa
Sabi mo ayaw mo na
Pero gusto ko pa

Gusto ko pa sana hintayin ka
Kaso nakiusap ka
Nakiusap ka na itigil na ang lahat ng kahibangan ko
Kaya ititigil ko nalang ang pagmamahal ko sayo

Pagbibigyan kita sa pagkakataong ito
Para ikaw naman ang sumaya
Pagbibigyan kita ngayon
Para mawalan ka nang problema

At higit sa lahat
Pagbibigayan kita kasi mahal kita
Mahal kita kaya papalayain na kita
Papalayain ko na ang dati sa akin ay nagpapasaya

Wala nang tayo sa ating dalawa
Pero susubukan kong kalimutan ka
Kakalimutan kita para makahanap ka
Makahanap ka nang bagong masasabihang "mahal kita"

Kaya paalam na
Ngunit tandaan mo
Mahal pa rin kita
Kaya tama na muna

Ititigil ko nang ang gusto ko
Gustong kong maibalik ang sa ating dalawa
Ang ginawa nating magkasama noong tayo pa

Noong tayo pa
Noong wala pang salitang "dati"
Sa salitang tayo
Ang DATING TAYO

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...






































Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now