Ikaw

1.5K 32 7
                                    

Ikaw
Hindi ko alam kung ano ang isusulat ko
Hindi ko rin alam ang sasabihin ko
Ngunit kong ito man ay iyong mababasa
Sana makita ko sa iyong mata ang ligaya
Ligaya na magdudulot sa akin ng saya
Saya na makikita ng mga tala
At mga tala na sasaksi sa ating storya
Kasi gusto ko makita ng mga tala
Kung paano mo ako pinasaya sa tuwing nakikita ka
At kung paano mo kinulong ang puso kong malaya
Sa puso mong pagmamay ari ko na
Sobrang saya
Kaya napagdisisyon ko na "Ikaw" at pangalan mo ang gusto kong itula
Ikaw at ang pangalan mo ang gusto kong iguhit sa mga tala
Kasi ikaw yung tipo ng taong kay sarap isipin
Ikaw yung tipo ng taong kay sarap yakapin
At higit kailanman ikaw yung tipo ng taong kay sarap mahalin
Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti sa pagsulat nito
At napapatawa sa pag iisip sayo
Baliw na ba ang tawag dito
O nagmamahal lang talaga ng totoo
Ang sarap alalahanin ang binuo nating kwento
Pero bakit nga ba ako nahulog sayo
Dahil kung dati ay hindi ko napapansin ang presensya mo
Pero ngayon ay para akong mamamatay pag hindi naramdaman ang presensiya mo
Sa tuwing tinatawagan mo ako
Para bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi pinapansin ang bilang ng segundo
Kahit ang laman lang naman ay puro tukso
Nahuhulog parin ang puso ko sayo
Na sanay iyong masalo
Para hindi mag isa sa kanlungan ko
Pero hindi mo ako binigo
Sinalo mo ito at itinago sa puso mo
Inalagaan na para bang kadugtong ng buhay mo
At prinotektahan mo
Para lang hindi makuha nang kahit sino
Hindi ko na pahahabain ang tulang ito
Hindi dahil sa napapagod na ako
Kundi dahil gusto ko nang sabihin sayo
Sabihin sayo ang katagang
Makapangyarihan para sa iba
Pero sa ating dalawa
Ito lang ang pagpapanatili sa ating dalawa
Kaya mahal
Pakingan mo ang sasabihin ko sayo
Mahal kita at kahit sino
Ay walang makakatibag sa ating dalawa

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gysto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...























Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now