Hanggang Dito Nalang

491 17 3
                                    

This spoken poetry is for Innocent_Queen22...i hope you like it

---------

Hanggang dito nalang

Hanggang dito nalang ba ito
Hanggang dito nalang ba tayo
Hanggang dito nalang ba ang ating kwento
At hangang dito nalang ba ang samahang ating nabuo

Ito na ba ang kahihinatnan ng pagmamahal na binigay ko sayo
Hindi dahil hindi ko naman dama na wala na talagang tayo
Dahil kahit baliktarin ko man ang mundo
Ikaw ang unang sumuko

Patuloy lang akong kumapit
Kahit pilit mo akong iniiwan
Dahil gusto mo akong maisahan
Nang sa ganoon ay ako'y iyong takasan

Patuloy akong sumugal sa pag ibig na ikaw lang ang kinakapitan
Na kahit ilang ulit man tayong mag away sa mga walang kwentang dahilan
Hindi ako sumuko sayo at hindi kita kailanman iniwanan

Dahil alam kong tunay na pagmamahal ang binigay ko sayo
Sa umpisa hanggang sa dulo
Hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo

Hindi ko alam kong ganito rin ba ang nararamdaman mo
Ngunit sa tingin ko
Hindi ang sagot sa tanong ko
Dahil sa ating dalawa ikaw yung unang sumuko

Hindi ko parin tanggap na wala na talagang tayong dalawa
Nakatulog lang ako bigla
Paggising ko hindi na kita nakita

Hindi ko makita ang iyong mukha
Isama mo pa iyong mata
Pinilit kitang hanapin
Ngunit hindi ka nagpakita

Hanggang sa malaman ko isang umaga
Sumuko ka na pala
Hanggang sa malaman ko kung bakit ito ang ating kinahantungan
Dahil sa puso mo ay may iba nang nagmamay ari diyan

Kaya pala napakabilis nating magkalabuan
Na parang plastik labo na inusukan
Dahil kahit magkasama tayong nagkakasiyahanan
Hindi pa rin ako ang buo nitong dahilan

Ano bang meron siya na hindi mo nakita sa akin
Ginawa ko lahat pero bakit ginawa mo pa rin akong limutin
Hindi ba sapat lahat ng sakripisyong ginawa ko para ako ay iyong mahalin
Oh sadyang talo lang talaga ako dahil siya pa rin ang iyong pipiliin

Sana bumalik lahat ng kasalanang ginawa mo
Nang maramdaman mo naman ang pakiramdam ng niloloko
Dahil ang pagmamahal ay hindi kailanman naging isang laro
Na basta basta mo nalang tatapusin kung napapagod ka na sa paglalaro nito

Ayaw ko man aminin pero kailangan kong tanggapin
Na ito na talaga ang wakas ng pagmamahalan na nabuo sa atin
Hindi na rin ako aasa na akoy iyong muling mamahalin
Dahil kahit kailan ay hindi ka na magiging akin

Ayoko nang sumugal sa pagibig nating tapos na
Ayoko nang ipaglaban ka
Ayoko nang maalala ka
At ayoko nang sabihan kang mahal kita

Dahil mahal kita
Oo mahal kita
Ngunit ang dati ay hindi na maaaring ibalik pa
At sa oras na maisip mong balikan ang puso kong wasak na
Ipagpatawad mo pero hindi na kita matatanggap pa

---------

Hello guysss sorry kung naging madalang ang update ko ngayon finifeel ko kasi yung vacation...

So before i end this chapter.I just want to say thank you to all of you for supporting my poetry

And again kung gusto niyo pong magpagawa ng mga tula magcomment lang at gagawan ko po kayo

At pavote na rin po....thankies









Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now