2:00 y media

272 14 3
                                    

2:00 y media


Pumatak na ang oras
Para magsimula na naman ang panibagong misa
Bagong mamamanata
At bagong mga mukha ang makikita

Mapupuno na ang mga upuan
Na nangangahulugang wala na akong mauupuan

Kaya lalabas na sana ako ng simbahan

Nang may tumayo na isang kalalakihan

Nagmamadaling umalis sa kanyang upuan
Hindi alintana ang sinasabi sa harapan

Kaya dali naman akong umupo sa kanyang upuan

Para hindi ako mahirapan

Nakaupo na ako
Pero nakaramdam ako ng kuryente sa tabi ko

Nagkatinginan tayo

Pero sa hindi malamang dahilan nagtawanan tayo

Pero naputol nang tumunog ang aking telepono
At nakita ko ang oras
2:00 y media na
At dito tayo nagsimula











Pero...










Sa oras din palang yun tayo'y magtatapos
Dahil inaya mo ako magsimba

Sa pag-aakalang gusto mo akong makasama

Sa pag-aakalang gusto mo akong maging masaya

Pero hindi pala
Kasi nagsermon na ang pari
Tungkol kay Eva at Adan na nagkamali

Nang mapansin ko ang tingin mong parang nagkasala

Ngunit hindi ko pinansin dahil sa nararamdamang kaba
Dahil alam ko ang pinapahiwatig ng iyong mata
Kahit hindi mo sabihin

Ikaw nga ay may ginawang mali

Nanghihina na ako dahilan ng bigla kong pagluhod
Sabay pagdasal ko na sana "hindi totoo"
"Hindi totoo ang nakikita at nararamdaman ko"
Kasi hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung itoy totoo

Pero pinatunog na ang kampanilya ng pari
Kasabay ng pagbagsak ng luha ko

Ay ang pagnginig ng katawan ko

At hinawakan mo ko

Nagtitigan tayo
Kaya umupo na lang ako at tumahimik
Pero parang ambilis yata ng oras
Nagsalita na ang pari ng "Magbigayan kayo kapayapaan sa isa't isa"

Sayo agad ako tumitig

Nang bigla mong sinabi patawad

At umalis ka nalang bigla sa aking harapan

Iniwan mo ako sa upua

At tumunog ang relo

2:00 y media na

Tumawa ako ng pagak

Ngumiti ng peke

Dahil sa mga pangyayari

At nasabi sa aking sarili

Na sa oras na ito tayo'y nagtagpo

Pero dito rin pala tayo magsisimulang maglayo



---------

Hello guys sorry kung masabaw hahahahah

So guys kung gusto niyo magpagawa sabihin niyo lang

And vote if you like my work

And comment for your thoughts





Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon