Tama Na

285 12 0
                                    

Uhmmm sorry po may nagrequest po kasi nito tapos po nabura po tung name niya sa phone ko kaya nakalimutan ko po kung sino ka po man na nagreqeust sana po magustuhan niyo po...pagnahanap ko po idedecate ko po sa iyo...


--------


Tama Na


Para sa sarili ko
Sana marinig mo
Ang tulang ito
Para matauhan ka na sa katangahan mo

Tigil...umayaw o tama na
Pero hindi ka parin susundin
Dahil mahal mo pa
Yung taong nasa puso mo

Pero hanggang kailan ka magpapakatanga
Sa taong nasa harapan mo na
Pero di ka binibigyang importansya
Dahil nakatingin siya sa iba

Habang ikaw nasa harapan niya
Tuwang tuwa pa
Pinipilit pang ngumiti 
Para kahit papaano maging masaya ka

Kasi sa relasyon niyong dalawa
Ikaw lang ang nagmamahal
At siya ang nagpapakahangal
Pero ikaw ay patuloy mo pa rin siyang minamahal

Ilang beses ka ba niya niloko
Isa...dalawa o tatlo
Kasi para sa akin sobra na ang tatlo
Para masabing ikaw na aynatalo

Sa relasyong niyo kasi 
Kailangan ng suwerte para magtagal

At isang butas na pagkakamali mo
Para relasyong iyong pinaglalaban ay di na magtagal

Nakakatawa noh
Na yung taong nangako sayo
Ay andyan pa 
Pero yung pangako naglaho

Kasi tumigil ka na
Dahil tandaan mo
Na magkaiba ang nagmamahal

Sa nagpapakahangal

At tandaan mo na sa relasyong di ka na masaya

Huwag kang matatakot na sabihin ang katagang "tama na"
Dahil ang pagsab nito ay di nangangahulugang pagtalo
Ngunit ito ay nagsisilbing senyales na sinaktan ka nang todo ng taong mahal mo


--------


Hello guys sorry kung ngayon lang ako nakapag update stress kasi ang schooldays ko sana maintindihan niyo...


Dont forget to vote if your like my update

And comment for your thought

Labya guys...

 






Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now